Home » Archives » 26. September 2006
The Corporate Tao of Sheggz
September 26, 2006"Be good to yourself and to others… You will never get empty-handed."
I've been into three companies already. The Department of Tourism in Manila, Fujitsu Ten Corporation of the Philippines in Sta. Rosa, Laguna and in Fujitsu Philippines, Inc (WeServ) in Makati. I stayed there for 5 years, 7 months and 5 months respectively.
It's not in the length of stay but on the quality of your stay that matters. Your chance to get involve with different kind of persons from oldies to yuppies, from complicated to easy-go-lucky….. would give you the best opportunity to build friendships with them.
It's how deep and how true! It pays well… in ways you, yourself, would be caught unaware…. you'll surely be amazed!
I need to secure employment certificates from my previous employers and it gave me a wonderful feeling that each of these companies, still remember SHEGGZ! SHEREEN! KUMANDER!
Hehehe
Nakakatuwa talaga…. even my surname, they still know. It makes me smile…
The last time I went to DoT, the guards still know me… one of them told me…
"Mam, hindi ko alam na nagresign ka na dito…
Kaya pala hinahanap kita.. hindi kita makita-kita… akala ko on-travel ka lang…
Wala na tuloy kasama lagi yung kaibigan mo sa EDP.. yung matangkad.."Hehehehe
That in every visit to these companies, I will surely find a home in each of their hearts.
MABUTI, TAPAT AT LAPAT NA PAKIKISAMA….. counts pawin!
Ang galing talaga nila Ama Turing at Ina Minting!
Ang Istorya ng Pink Pulboron
Nagising ako kagabi sa isang mahina ngunit sunod-sunod na katok sa pintuan ng dormitoryo.
Pagbukas ko… isang barista pala… hinahanap ang aking nakababatang kapatid..
Baristang Babae: "Si Rovs?"
Sheggz : "Ay wala po siya. Hindi ko nga po alam kung nasaan."
Baristang Babae: "Ah ganun ba? O sige, di bale na lang."
Sheggz : "Oks"
Kaninang umaga… muli akong nagising pero this time sa tawag na "Rovs?!? Rovs?!?"
Eh kakaalis lang ng kapatid ko dahil nakagawian na non ang 7:30am pa lang ay magpunta na sa kanyang ginintuang trono sa Library.. Kaya nga Library Kid ang tawag sa kanya sa San Beda Law.
Pagbukas ko ng pintuan. Iniabot sa akin ng Baristang Babae kagabi ang isang square na supot.
Baristang Babae: "Pakibigay na lang kay Rovs ha. Pauwi na kasi kami."
Sheggz : "Ah talaga po?!? Pauwi na kayo ng probinsiya?"
Baristang Babae: "Oo.. (sabay tango)…. Babay!"
Sheggz : "Naku, maraming salamat po. Ingat kayo!"
Hindi ko napigilang hindi tingnan ang laman ng supot. Laking gulat ko nang makita kong…
"Wow! Pulboron ng Goldilocks!"
Inisip ko tuloy yung bilin nya… para nga ba kay Rovs un o para sa akin? Kasi ako ang mahilig talaga sa Pulboron ng Goldilocks. Agad kong tinext ang kapatid ko para humingi ng permisong kainin ang paborito kong pulboron.
At bago pa man nasend un, nakita ko ang isang maliit na Note:
Rovi,
I'm so happy to have known you.
You, too… Take Care!
Make good!Tnx,
Cherry
At nakita ko na Pink Pulboron ang laman nun.
Ang dormitoryo namin ay pinamamahayan ng iba't ibang tao mula sa iba't ibang panig ng mundo..
iba't ibang probinsya, iba't ibang salita, papili-pilipit na dila, iba't ibang ugali….
Ano ang maiiwan naming legacy o ala-ala sa mga taong nakakasalamuha namin na tatatak sa kanilang isipan…
Na sa muling pagkikita ay matatandaan kami, hindi dahil sa hitsura o sa kung ano pa man…
kundi sa pagkatao at klase nang pakikitungo na naipadama namin sa kanila…
Naalala ko ang kabilin-bilinan ng aming Lolo at Lola….
"MABUTI, TAPAT AT LAPAT NA PAKIKISAMA…. KAHIT SAAN KAYO PUMUNTA.. KAHIT KANINONG TAO.. MARANGAL MAN O NAPAGKAITAN NG DANGAL…"
Tulad ng Pink Pulboron, marahil ang kapatid ko ay naging mabuting tao at kaibigan sa harap at likod ng mga taong ito. Hindi man namin lubos na kakilala ay batid naming itinuring kaming hindi iba.
Nawa ay magtagumpay kayong lahat.
Sa susunod na pagkikita ay isang masayang pagdiriwang ng mga Barista sa lugar nila Manong at Manang sa 5th Street.
Maraming Maraming Salamat!
Napakaswerte talaga naming magkaroon ng magpapaalala at magbigay ng pagpapahalaga sa tao at pakikipag-kapwa-tao!
;-)






