To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Signs ng Timang

October 27, 2006

I am fond of asking signs…
Just recently, when I visited one website… i saw these pics…

Napa-"Nyayayaya!" ako..

Was really surprised…
I once asked about these signs … and they're here now….

Ang problema… nakalimutan ko na kung para sa anong sign yung hiningi ko whehehe
O sadyang ayokong isipin kung ano un….


I saw Pipol here…

And I saw Winwin also…
  
Even the Toyo and Yoto… ang makulit na mukhang lasing na kalbong karatista…
Hehehehe

Kidding aside…. I know what's behind these signs… and I'm happy about it..
One good day coming up! ;-)

Ewan natin sa Sheggz mode.

Posted by sheggz at 9:01 pm | permalink | Add comment

When it’s all over….

Minsan talagang kailangang ilabas ang nasasaloob..
mapagalit o saya o maging pagibig o kung ano pa man…

At masaya akong ang isa sa matagal ko nang itinatago eh nagawa kong mapakawalan sa bigwas ng isang sapok at isang malakas na sampal sa harap ng taong napakatagal na panahon kong pinahalagahan.

Pano ba yan.. eh di quits na tayo?

Sakit para sa sakit din?

Papakabait ka na ha.

    

Belaaattt!

Posted by sheggz at 8:49 pm | permalink | Add comment

Bagong Jologs

     
Last October 25… nagmeet naman kami ng aking besku na si Rech..
Ayun… lafang mode ulit… marahil iyon ang namiss namin talaga pag magkasama…
Kwentuhan ng mga bagong ka-jologsan.. this time eh sa buhay naman niya hehehehe
Musta naman ang babaing naka-On Air ang cellphone no.. hehehe

She's now complaining that several boys around the globe are texting her.. pano ba naman.. ung friend niyang DJ sa radyo in-on-air ang cellphone no. nya.  Ayon.. akala naman ng mga dragon.. Dyosa ampucha.. hahahahaha

Pero I guarantee that my bestfriend has a good soul… grabe!

And in between conversation… pinakikialaman ko na naman ung Ericsson Fone niya.. na ang galing … at napagtripan ulit naming mag-Sepia tone. hehehe

Oks ba?

Posted by sheggz at 8:39 pm | permalink | Add comment

Bye for now.. Kabayoooooo

Sooo it's Mojack naman…
 

Haaay… for sure may matatahimik na telepono at wala na akong tatawagang Kaibigang Kabayo sa Cuadra.
Si Mojack marahil ang isa sa pinakawalang-kwentang taong nakilala ko (joke!)…
Gusto ko sana makapunta siya sa amin bago siya umuwi ng Samar dahil hindi ko alam kung babalik pa ito ng Manila or shall I say, matatagalan na ulit bago kami magkita neto…
Pero naalala ko… galit nga pala ang lola ko sa Bading… mapagkamalan pang "kami" hehehehe

Ingat pag-uwi!  Layo ng Samar eh…

Pa-practice-in ko ung steps na itinuro ninyo ni Kuya Jun… for another Bebot Bebot Session… hehehehe
Ayusin mo na buhay mo ha…. I'll miss you…

Posted by sheggz at 8:34 pm | permalink | Add comment

Bye Jonathan…..

October 22, 2006

  

I was off to Manila at that time when I received a text from Iset…

"Paalis na si Athan on Friday puntang Dubai…."

Couldn't sleep at all.. and tears began to fall (na naman….)

Who is Jonathan, by the way?

Si Athan lang naman ung taong walang humpay magsend ng mga jokes sa text.
Ni hindi nahiyang magsesend sa akin ng green jokes…
Ang tanging taong nakapilit sa aking humarap sa kanya ng may muta-muta pa…
Ang aga-aga nasa amin na para magshare ng heartaches…
Ang taong halos umusok na ang tenga ko sa telepono sa kwentuhan at sentihan…
Ang taong nakakadiring kasabay kumain dahil kwento ng kwento ng mga kabalahuraan sa mundo..
Ang taong laging nagpapatawa sa akin sa iba't ibang paraan at pagkakataon…
Ang taong madaling mahila kapag gusto namin ni Iset kumain sa Magdaragat at magkape sa Tagaytay…
Ang taong kasama kong manood ng Premiere Night.. hehehe nahawahan!
Ang taong kakampi ko sa panood ng Pinoy Big Brother…
Ang taong minsan ay nambulabog sa akin para pumunta sa simbahan… mag-aanak daw ako sa binyag..
Pagdating ko sa simbahan.. motor pala niya ang inaanak ko… so magkumpare kami.. kami lang dalawa ang andun dios ko fu… hehehe

Pero one thing about Athan na talagang gustong-gusto ko…..
Pag nagmahal siya… totoo…

Di bale.. uumpisahan ko nang magbilang ng 12 months para magkasama-sama na ulit tayo…
At magkakasama na ulit tayo magcecelebrate ng bertdey natin sa December…
Di bale.. malamang.. magkikita-kita na tayo on May 2007 sa Dubai with Iset at doon natin itutuloy ang walang humpay na kainan ng pizza hehehe
Wei pano ba yan… dalawa na lang kami sa Starbucks at Magdaragat… huhuhuhuhu

For now… balikan ko na lang mga pics natin…

Bye Bye Friend… Miss na agad kita eh…

Ang haba naman ng lungkot ko… :(

Posted by sheggz at 8:23 pm | permalink | Add comment

The Great Jamming of Tulindoy and Poohkingkay

While watching Ghost Whisperer last Friday night, one question was raised into my mind?

Bakit naman si Rowell hindi nagpaalam ng maayos…?”

 

Nakatulog ako ng mga 6:30pm ng Sabado. Masyadong maaga para sa isang tulad kong night-person. Ngunit ewan ko ba kung bakit nagmamadali akong mahiga noon. Pagbukas ng mata ko, natagpuan ko ang sarili ko sa isang picnic area, nakasuot ng isang puting-puting damit. Sa paligid ko ay mga pagkaing pampicnic. Nagulumihanan ako sa mga nakikita ko.

 

Nang biglang isang maliwanag na maliwanag na ilaw ang nakaagaw ng aking atensyon… mula sa nakakasilaw na liwanag na iyon ay lumabas ang isang matipunong lalaki na napapaligiran ng marami pang mga tao.. lahat ay nakasuot ng busilak na putting damit na animo’y aattend ng beach wedding. Habang papalapit ang lalaki… napabalikwas ako sa kinauupuan ko sabay sigaw na…

 

ROWELL! Uy!!! Sabi ko na… lakad mo yan eh.. Hahahahaha”

 

Hangos akong napatakbo upang salubungin ang kaibigan ko… at masaya kaming nagyakap ng mahigpit..

 

Sheggz: “Bakit ka nagbalik pa… Okay na ako… Diba nagcross-over ka na?”

Rowell: “Sabi mo kasi bakit hindi ako nagpaalam ng maayos. Gusto ko ring makita ka at makita mo ako. Kumusta ka na, Ineng? ”

Sheggz: “Whehe.. loko-loko ka.. eh alam mo nga nangyayari sken… hehehe Nakikita mo ako samantalang ikaw, hindi ko nakikita…. Grabe.. namiss kitang lokotoy ka..” <sabay tapik sa balikat>

Rowell: “Bago tayo magsimula, sisindihan ko lang tong eternity candle. Habang buhay yan at hindi nauubos, magkakasama tayo. Pero pag naubos na at nawala na ang sindi… kailangan ko ng bumalik”

Sheggz: “Aba naman… talagang kailangan pang may timer hehehe Ano to WANSAPANATAYM? Hehehe”

Rowell: “Hahahahahaha”

Sheggz: “Ang galing naman neto.”

 

Tulad ng ginagawa namin dati… nagitara cia at nagkantahan lang kaming dalawa.. mga kantang paborito ko at paborito din nya. Nagulat ako ng tinugtog niya ang “Dahil Ikaw”…

 

Sheggz: “At bakit alam mo yan?! Wala ka na ng mauso yan ah.:”

Rowell: “Andito pa.. April lang naman ako nawala eh…”

 

At itinuloy namin ang kantahan…

 

Sheggz: “Anong hitsura ng lugar mo ngayon, Rowell.. Maganda ba talaga ang langit?”

Rowell: “Hindi ko maidedescribe sayo kung gaano kaganda at gaano kasaya don.

Sheggz: “Talaga? Kung makakapagsulat ka sana ng libro eh di ikaw ang kauna-unahang reliable author ng libro na makakapagdescribe non?”

Rowell: “Hehehe…. Pwede kang pumunta dun…”

Sheggz: “Kung sigurado akong sa heaven ako pupunta…”

Rowell: “Gusto mo dalhin kita don?!? May consequence nga lang yon…”

Sheggz: “Ano yon?”

Rowell: “Pag andun tayo, dobleng bilis ang pagtunaw ng eternity candle. Mas maliit ang panahong magkakasama tayo.”

Sheggz: “Ay ganon ba?!? Hmm… gusto ko sana pero… ayoko na din…”

Rowell: “Alam kong iyan ang gusto mong itanong sa ken… kaya nakapaghanda ako. Dalawang eternity candle ang hiningi ko… hehehehehe”

Sheggz: “Walandyo ka, pati ang Diyos, kinakabog mo.. hehehehehe”

Rowell: “Mana ako sa yo.. Hinawahan mo ako ng mga strategy mo. Oist.. alam mo bang napapanood ka namin sa taas.. iyang mga kagagahang ginagawa mo.. mga katimangan mo.. kitang-kita don. Kilala ka na nga nila… At ako ang nilalagay mo sa alanganin. Gusto kong itanggi na kaibigan kita, timang ka.. hahahaha”

Sheggz: “Hahahaha talaga?!? Eh di sikat pala ako don?!?”

Rowell: “Pero naaaliw ako sa mga kaeng-engan mo, Erin”

Sheggz: “Ohhh.. ngayon ko lang narinig ulit na may tumawag sa akin ng Erin ah…”

Rowell: “Erin the Broken Witch” hahahaha

Sheggz: “Ungas! Tara punta na tayo dun.. Pano tong mga pagkain….?”

Rowell: “Mas masarap pagkain don… Ready ka na ba?!?”

Sheggz: “Oo… tara!”

 

Pumasok kami sa maliwanag na ilaw… at paglabas namin…. Hala… ung malaking pinto na parang pintuan ng isang kaharian ang bumungad sa akin…. Yun ang matagal ko nang sinasabing pintuan na hindi ko mabuksan buksan sa panaginip ko… nakita ko dun ang cute na cherubim na tumutugtog ng harp sa gawing kanan ng pintuan… at punong puno ng usok ang paligid… Nauunang naglalakad si Rowell at ako ay hawak lang niya sa kamay…

 

Rowell: “Baka matalisod ka na naman… mataas tong hagdan na to..”

Sheggz: “Ay cia nga pala Rowell, nakita ko na ung window ng cathedral na nakita ko sa panaginip mo after mo mamatay… “

Rowell: “Ah oo. Isang sign yun eh.”

 

Automatic na bumukas ang castle. Andun sa pinakagitnang bahagi ang isang malaking trono na may nakaupong lalaki na mukhang Israeli.

 

Rowell: “Kita mo ba cia?”

Sheggz: “Oo.. sino un?”

Rowell: “Ang Diyos nating lahat… Meet the Father”

Sheggz: “Hahahaha kala ko Meet the Focker.. hahahaha”

 

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon…. At hindi siya kamukha ng mga nakikita kong picture sa lupa. Habang papalapit kami, bigla ciang tumayo at niyakap kaming dalawa ng mahigpit.

 

Lord: “Maligayang Pagkikita ng dalawang magkaibigan. Sana ay maging masaya kayo sa konting sandaling inilaan ko para sa inyong dalawa.”

Sheggz: <in teary mode> Lord, pasensya ka na ha… sorry po sa mga nagagawa kong mali… Salamat at nakita ko ulit ang kaibigan kong si Tulindoy..

Rowell: Hahahahahahahahaha. Tawagan po kasi namin iyon… Siya naman si Poohkingkay… Hahahaha Bastos ka Erin.

Lord: “Walang lugar sa kaharian ko ang galit at kawalan ng kapatawaran. Inisip mo palang ang paghingi ng tawad ay napatawad na kita. Kaya minarapat kong makita mo ang lugar na ito. Dahil balang araw, gusto kong makasama mo ang kaibigan mo sa paraisong ito.”

Rowell: “Ililibot ko po siya sa kaharian, Ama”

Lord: “Mabuti pa.. Nawa’y maging masaya ka Shereen”

Sheggz: “Sheggz po.”

Rowell: <sabay batok!> Hihirit pa.. Si Lord na yan noh..

Lord: “Hahahaha Sadyang iyan na ang trademark ni Shereen. At napapamahal siya sa mga tao sa ugaling yan…”

 

At nagsimula na nga kaming maglibot…. Unang tumambad sa akin ang isang napakagandang garden. Walang panama ang nasa Encantadia at iba pang kaharian na napanood ko sa TV. Ang ganda talaga. May isang mahabang hapag-kainan na punung-puno ng pagkain na pawang lahat ay kumikinang. Ang daming butterflies at ibon sa paligid na halos dumadapo na sa balikat mo. May isa pa ngang dumapo sa ilong ko na butterfly. Ang dami ring squirrels.

 

Sheggz: “Pagkakaganda naman dito. Ang upuan gold, ang kutsara gold, ang kawad d gold din. grabe “

Rowell: “Samantalang sa lupa, nagkakamatayan pa ang tao sa pag-aagawan sa ginto. Dito ay ordinaryong bagay lang ang ginto at pilak. Wala ngang pera dito pero tingnan mo.. ang saya..”

 

May waterfalls sa may bandang kanan. Napakalinis ng tubig at sa kailaliman ay mababanaag mo ang iba’t ibang yamang-dagat. Ang tawag daw dun ay Bukal ng Buhay. Doon daw nanggagaling ang iniinom nila dahil walang hanggan ang buhay nila don.

 

Sumakay kami sa isang maliit na karwahe na hindi lumalapag sa sahig. Nakalutang lang ito.

 

Rowell: “Sakay na tayo para mailibot kita ng husto. Baka hindi natin matapos kung lalakarin lang natin. Hindi kami napapagod dito. Ikaw lang inaalala ko at mahina ka sa lakaran”

Sheggz: “Lumilipad ang karwahe”

 

Sumunod kong nakita ang isang malawak na dagat… parang bawat puntahan ko ay may pagkain, ang puno ay hitik na hitik sa bunga at ang paligid ay napapaligiran ng napakagagandang mga bulaklak. Maririnig mo ang matitinis na boses na nanggagaling pala sa mga Anghel… may background music din na maririnig pagpasok palang naming.

 

Rowell: “Mamaya punta tayo sa pinaka-Music Area ng Langit. May inihanda akong sorpesa sayo dun”

Bawat kaluluwang sumalubong sa akin ay nakangiti, may bata pa ngang yumakap sa paanan ko at nakasama naming maglakbay. Ang pangalan niya ay Rishkia, isang batang Irish.

 

Rowell: “Ang batang iyan ay namatay sa isang giyera. Natabunan ng malaking bato at namatay. Hindi na siya nailibing ng maayos eh.”

 

Eto ang lugar na nakikita namin ang mga nasa lupa. Pero napapanood lang namin kayo. Minsan pag nagtawanan kami at bumulong kami, nakakaabot sa inyo. Kaya minsan, mapapakinggan mong parang may tumawag sa yo. Ilang beses na nga kitang nababatukan eh.

 

Sheggz: “Kasama kita noong kina Quintin ano?”

Rowell: “Oo.. pano mo nalaman?!?

Sheggz: “Eh dapat schedule mo ng crossover iyon. Hindi ka mahanap ni Sixth Sense Man. Kasama mo raw ako sa Marikina. Tapos, grabe ung kain ko. Ang dami kong nakain. Sabi ng kaibigan ko, para daw pang-dalawang tao ang kinain ko. Puro pancit canton pa kinain ko.”

Rowell: “Yup. Sinamahan kita at hindi mo alam ang lugar, gabi na noon. Bading pa kasama mo?! Eh kung naholdap kayo, mauuna pa siyang tumakbo kesa sayo”

Sheggz: “Nakikita nio ba ang mangyayari sa buhay namin?”

Rowell: “Oo. Nakasulat yun sa isang malaking libro. Pero wala kaming magagawa dun. Mamaya ko sasabihin sayo ang mga nakita ko say o at ikaw na ang bahalang dumiskarte ha?!?”

Sheggz: Sige Sige…

 

Nagpunta kami sa isang malawak na bukid na punong puno ng prutas. Agad akong pumitas ng grapes at peras.

 

Rowell: Dito kami namamahinga, kalimitan ay dito kami nagkakawentuhan. Libre din grapes dito. Hehehe

Sheggz: Ang ganda naman dito, Rowell. Hindi na ako magaalala kung nasaan ka dahil alam kong nasa mabuti kang sitwasyon at masaya ka.

Rowell: Kaya ipinagpilitan kong makita mo din ito, para magpursige kang dito ka rin mapunta balang araw. Ayokong magcrossover ka pa, gusto ko na diretso ka agad dito. Wag mong gagawin ang ginawa ko ha? Binabantayan kita lagi eh.”

Sheggz: “Pati paliligo?!?”

Rowell: “Pati pag-ebs. Joke! Hindi ah? Ano namang makikita ko dun. Andito na ako sa langit, dinedemonyo mo pa ako.”

Rowell: “Tara punta tayo sa Flower Farm”

Sheggz: “Wow talaga?!?”

 

At dinala nga nya ako sa isang lugar na halos matapakan mo ang bulaklak sa sobrang dami. Iba’t iba ng kulay at iba’t iba ang ganda. Walang panama ang Flower Festival sa ibang bansa at sa Baguio City. Dito ang mga bulaklak ay animo’y may buhay na binabati ka ng ngiti.

Pumitas ng isang kulay Pink at isang Light Blue na bulaklak si Rowell at inilagay un sa bulsa ng damit ko.

Rowell: “Wag mong kakalimutan ang Kulay na yan, Erin. Kahit na hindi naging maganda ang karanasan mo sa Pink… naging dahilan iyon para maappreciate mo ang kulay na Light Blue. Alam mo ba na ang higaan ko dito ay kulay Pink?”

Sheggz: “Badingerski ka rin noh?”

Rowell: “Wala ka ring kwentang kausap no. Punta naman tayo sa Music Room naming. Andun ang sorpresa ko sayo

 

Pagpasok na pagpasok namin sa lugar ay nakita ko ang isang napakagandang band equipment. Sobrang hi-tech talaga. At una niyang kinanta ang “Salamat” ng The Dawn. Nasundan pa ito ng Buttercup na sinayawan din namin, ng Together Forever ni Rick Ashley, na ang step ay don lang din namin naperfect, Your Love ni Jim Brickman, Ain’t no Mountain High Enough, Half Crazy na tinawag niyang themesong ng mga timang at marami pang iba.

 

Biglang naging seryoso ng marinig kong tugtugin ang Intro ng Beauty and Madness.

 

Rowell: “Gusto ko Erin, pagbaba mo sa lupa, hindi ka na iiyak sa tuwing maririnig mo ang kantang ito.. dahil may mga kaibigan kang papalit na sa akin sa buhay mo.”

Sheggz: “Ha? Sino?!?”

Rowell: “Magiging mabuti kayong magkakaibigan. Malapit na un.”

Sheggz: “Bo-malabs un. Hindi ko nga makasundo ugali nila eh.”

Rowell: “Mamaya ko ipapakita sa yo kung bakit”

 

At kinanta niya ang Beauty and Madness.

Syempre, papatalo ba ako. Agad akong nagpunta sa stage at kumanta ng “Paano” ng APO Hiking Society.

 

Sheggz: “Rowell, eto uso ngayon. Tribute sa APO.. hehehe”

 

At nasundan pa ito ng………..

Sheggz: “Eto na… Eto na… Eto na.. Yaaahhhh…….Doo bi doo bi doo”

Rowell: “Hahahahahahahaha para kang adik Erin. Tigilan mo nga yan. Napanood kita ng ginawa mo yan. Halos magtago ako sa tiyan ng Nanay ko sa sobrang hiya”

Sheggz: “Saya nga eh. Blockbuster ang performance na yan.”

 

Naging masaya ang jamming naming magkabarkada. Ipinakita niya sa akin ang listahan ng mga mangyayari pa sa buhay ko.

 

Rowell: “Kilala ko na nga ang mapapangasawa mo eh. Hinanap ko din yon at kinikilatis ko. Mabait na tao naman at disente. May isang bagay lang kayong hindi pagkakasunduan. Hindi siya Jologs!”

Sheggz: “Hehehehe maiintindihan din nya un.”

Rowell: “Tigilan na kasi yan eh.”

Sheggz: “Oo nga.. tinigilan ko na…”

 

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga mangyayari… Skip ko nalang para hindi ninyo malaman. Punta na lang tayo sa kung pano kami nagkahiwalay.

 

Sheggz: “Ay malapit nang maubos ang kandila, Rowell”

Rowell: “Oo nga. Kailangan na nating bumalik at don ko gusto magpaalam sa iyo. Doon tayo dadaan sa kabilang daan.”

Sheggz: “Hindi dun sa pinasukan nating pinto?”

Rowell: “Hindi.. kaya dun tayo pumasok para malaman mo na ung sagot sa tanong mo tungkol sa panaginip mo.”

 

Naglakad kaming dalawa pababa sa tubig…. At pag-ahon namin, bumalik kami sa picnic area na pinanggalingan namin.

 

Rowell: “Andito na tayo ulit. Hindi hamak na mas maganda sa taas diba?”

Sheggz: “Wala sa kalingkingan ang lupa.”

Rowell: “Bago nga pala ako umalis, may sasabihin ako sa yo.”

 

Una, gusto kong humingi ng tawad sa yo dahil alam ko iniwan kita sa ere. Hindi ko rin talaga sinadyang mangyari iyon. Sa huling sandali ay nagdalawang-isip ako kaya lang huli na at natabig ko na ung silya at ang higpit ng lubid sa leeg ko. Mahirap ung dwelong mabuhay at makipagharap kay Kamatayan, Erin. Ayokong mangyari yon sa yo. May pagkakataon ka pang ituwid ang buhay mo. Natutuwa ako sa nakikita ko sa yong mga pagbabago. Ituloy mo lang yan. Sa darating mong recital, gusto kong tugtugin mo ung kantang paborito natin, tiyak andun ako at papalakpak sa yo.

 

 

Tungkol sa Daddy mo, mabubuksan mo lang ang pinto na hindi mo mabuksan kapag nawala na sa puso mo ang galit. Hanggat hindi nangyayari iyon, mabigat ang pagtingin mo sa mundo.

 

Hindi na magtatagal ang buhay ng malalapit sa puso mo, gawin mong mapayapa ang mga nalalabi pa nilang araw. Ipakita mo sa kanilang kaya na nila ikaw na iwan at kaya mong pangatawanan ang buhay mo. Inaasahan ka ng pamilya mo na magtuloy sa naumpisahang negosyo. Once na simulan mong hawakan ang negosyong iyon, lalawig pa ang kabuhayan ninyo. May iniisip kang marketing strategy na saktong-sakto para mag-boom iyon.

 

Hintayin mo ang gesture na gusto mong gawin sa isang kaibigan, siya ang gagawa nun at hindi ikaw. Iyon ang hudyat na matuto kang magbukas ng panibagong pintuan sa pagkakaibigan na magsisimula sa tama. Warningan mo siyang wag magdrive ng puyat. May nakikita akong aksidente sa bandang Norte.

 

Iyong sinasabi mong kapartner mo sa buhay, totoong foreigner nga… tama ang kaibigan mo. Half Penoy Half Balut.. Hehehehehe Pero hindi dito mangyayari ang love affair. Sa ayaw at sa gusto mo, makakapangibang-bansa ka at doon magsisimula ng bagong buhay at magiging katuwang mo sa pagpapanibagong-buhay mo ang lalaking makakasama mo sa buhay mo. Bibigyan kita ng hint… pag nakita mo ung tao at marinig mo ang kantang ________, siya na yon. Wag ka nang magmaktol at magpasalamat ka at mabuting tao yon.. Kung ako si Lord, hindi ganon ibibigay ko sayo. hehehe

 

Sheggz: “Ang corny naman ng kanta.. kadiri naman to”

Rowell: “Corny corny ka jan…. pag nakita mo ung taong iyon, mas maraming kacornyhan kang gagawin.. hehehe”

 
Yung bestfriend mo, magkakasama kayo sa ibang bansa. At makakahanap din siya don ng katuwang niya sa buhay. Ang pagpunta niya don ang mag-aahon sa hirap ng kanyang buong pamilya. Ingatan mo ang kaibigan mong ito, Erin. Mabuti siyang tao. Ingatan niya ang lalaking makikilala niya at paluluhain lang siya. Hindi iyon ang nakatakda. Alalayan niya ang nakatatanda niyang kapatid.


Ikaw na bahalang tumingin sa mag-ina ko. Magkakahiwalay sila nang asawa niya at sa sobrang depression eh magugulo buhay niya. Bantayan mo ang anak ko.

 

Sheggz: “Hindi mo naman anak yon.”

Rowell: “Hindi nga.. pero itinuring ko nang anak.”

 

Sabihin mo kay Maricel, Salamat. Isa ang kapatid niya sa sumundo sa akin. Magkakaanak pa sila. Kapag dumating iyong panahon na handa na siyang maging ina at handa na niyang igiveup ng totoo ang buhay na pangsarili para sa isang buong pamilya.

 


Kay Mader, tutukan mo ang nararamdaman niyang sakit ngayon… at hindi maganda kung hindi maaagapan. May biglaang sakit na makakaapekto ng malaki sa kanyang kalusugan na kailangan niyang magpahinga. Wag mo nang bigyan ng sama ng loob dahil marami ka nang nagawang sama ng loob sa kanya sa pananahimik mo.

 

Hindi na matatapos ang taong ito at iiwan na kayo ng isa sa malapit sa puso mo. Hindi na maisasalba ng gamot at treatment ang sakit niya. Kaya ihanda ninyo na rin ang sarili ninyo.

 

Rowell: “Halika nga, Erin.”

 
At niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

 

Rowell: “Wag mong hanapin ang kaligayahan sa ibang tao. Habang hinahanap mo, hindi mo matatagpuan iyon at mapapagod ka lang. Wag kang mapagod sa tao at marami ka pang mamemeet na tao na gagawa ng hindi maganda pero tanging ang mabuting loob na meron ka ang magpapatatag sa iyo. Ang mga taong mamahalin mo, dadaan lang sa buhay mo, at hindi sila aagawin ng Diyos. Ipahinga mo na ang kaluluwa mo at sobrang pagod na pagod na. Ibukas mo ang puso mo sa ibang tao at sa pagmamahal. Wag kang matakot at mapagod magmahal. Padating na yung taong hinihintay mo at masaya akong magiging masaya ka sa piling niya. Aattend pa rin ako sa kasal mo. Wag ka nang umattend sa kasal ni, masyado mo lang pinapasakitan ang loob mo. Hayaan mo na siya. Nagkausap na kami ni Mamang at nakahingi na ako ng tawad. Ikaw na rin ang bahalang dumalaw sa kanila ha. Punta ka sa babang-luksa ko para mabuo naman ang mga mahal ko sa buhay.

 

Magpakaayos ka na ha. Matutupad na ang mga pangarap mo. May gagawin kang kanta na hindi makakalimutan ng mga tao at makakasalamuha mo ang mga taong naging idolo mo sa musika. Tulad nila, hahangaan ka sa talinong meron ka. Wag ka na lang kakanta at masakit talaga sa tenga.

 

Ituloy mo lang ang plano mo sa trabaho. Magiging umpisa yan ng mas magandang pagpapatuloy. Iwasan mo ang intriga at makisama ka ng maganda. Iwasan mo ang dagat, maaaksidente ka sa dagat.

Masaya akong iiwan ka sa lugar na ito. Ang pagitan lang natin ay isang gunita. Andyan lang ako lagi na nakabantay sa iyo.

 

 

Sheggz: “Ako ba ang unfinished business mo, Rowell?!?”

Tumango si Rowell.

 

Rowell: “Pero hindi lang ikaw ang dahilan ng paglisan ko… Nagkataon lang na tayo ang huling magkasama. Ayoko kasing mapahamak ka.”

Sheggz: “Sorry, Rowell ha..”

Rowell: “Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Ipagdasal mo lang lagi ang maraming tulad ko. Kanta tayo bago maubos ang oras.”

 

Sheggz: “Ano na namang kakantahin natin….”

Rowell: “Salamat….”

Sheggz: “Ay napanood ko ung The Dawn ung play nila.. grabe ang ganda”

Rowell: “Alam ko.. kaya dinala kita dun. Late ka na naman eh. Natuwa ako ng maiyak ka dun eh.. Alam ko na un ang hudyat ng pagbabago sa yo.”

Sheggz: “Nakita ko na rin si Agot Isidro.”

Rowell: “Hahaha.. kaibigan ko talaga.. showbiz na jologs.. Hehehe

Wag mong hayaang saktan ka pa nila ha… Hindi ka showbiz na tao kaya umalis ka sa mga taong showbiz ang ugali.”

Sheggz: “Yup…”

 

Kinanta namin ang “SALAMAT” sa isang napakasayang rendition nito.

 

Napapansin ko, habang kumakanta kami…. Lumalabo ang tingin ko kay Rowell… nangingilid ang luha ko…

 

Rowell: “Sabi ko sayo, wag kang iiyak. Gawin nating masaya ang pagkakataong ito. Dinaig mo pa si Ate Shawie sa babaw ng luha.”

 

Sheggz: “Hehehehe. Teka dalawa ang eternity candle ah. Asan ung isa?”

 

Rowell: “Iniwan ko sa Music Room. Doon ko sisindihan kasi doon walang bagay na nauubos at nauupos. Eh di habang buhay magkikita pa rin tayo diba?”

 

Sheggz: “Wow naman! Ang galing naman talaga…”

Rowell: “Ako pa. Alam mo Erin, pinagtawanan mo lang ako dati pero minsan sumagi sa isip kong ligawan ka. Eh naboplaks mo naman ako kaya inisip ko na lang na hindi mo ko seseryosohin kung niligawan kita.”

 

Sheggz: “Iyan ang isa sa mga nagawa kong pinagsisihan ko. Sana masaya akong kasama ka. Kaya lang din… matatawa lang ako.. baka sa harap ng altar, magbabatukan pa rin tayong dalawa. hahahaha”

 

Rowell: “Hahahahahaha. Salamat talaga sa Chowking. Talagang oras natin iyon na magkakakilala tayo. Ikaw nga pag kakain ka sa labas, kumain ka naman ng maayos. Wala ka sa loob ng bahay ninyo.. hehehe”

 

Sa pagtatapos ng kanta…. Yumakap siyang muli ng mahigpit.. at tinitigan nya akong mabuti…

 

Rowell: “Buntung-hininga…. Ang pagitan lang natin ay isang gunita. Pag nalulungkot ka at naalala mo ako…. Ngumiti ka lang… Magkikita-kita pa rin tayo… hihintayin ko ang kaibigan kong timang dun. Guguluhin mo ang langit sa kakatawa. Ay siya nga pala, paggising mo… kain ka at tiyak kong gutom ka na naman.. “

Alis na ako Erin… Mag-iingat ka lagi ha? Wag patanga-tanga…. Mahal na mahal ka ng kaibigan mong Casper.. hahaha”

 

Sheggz: “Maraming salamat, Rowell. Masayang masaya ako. Salamat sa lahat. Mahal ka din ng Timangerski mong Kaibigan.”

 

Narinig ko ang napakatining na boses ng anghel…. At ang mga taong naghatid sa kanya eh un din ang sumundo sa kanya. Kumakanta silang lahat ng “The Pilgrim’s Theme” … Nakakaiyak ang senaryong iyon pero nakangiti kaming dalawa. Ang kalangitan ay nagliwanag at makikita mo ang parang orchestra ng mga anghel na nakalibot sa aming lahat. Animo’y isang pelikula at isang concert ang nagaganap. Walang luhang nangingilid sa aming mga mata…

 

Bago siya tuluyang umalis…. Narinig kong sinabi niya….

 

Sa recital.. babalik ako. Gagalingan mo ha. Tugtugin mo ang Beauty and Madness…..

May piano jan… ano ang tutugtugin mo bago ako umalis?

 

Umupo ako sa grand piano na nakita ko sa tabi ko… at inumpisahang tugtugin ang “A Thousand Miles” ni Vanessa Carlton.

 

Rowell: “Hehehehe, sa kantang yan mapapahanga mo ang mga taong manonood sayo. May arrangement ka na gagawin na sadyang tatak Timang. Hinihintay ka na ni Maestro Ryan C.


“Tandaan mo… hindi ako tatalikod sa yo… Walang kaibigang tumatalikod sa kaibigan… Tandaan mo yan ha…”

 

Buh-bye, Erin.. Buh-bye!” <sabay kaway>

 

Tumango lang ako… At habang papalayo.. hehehehe sumasayaw siya nung kay Rick Ashley..

At tuluyan na siyang naglaho sa maliwanag na daan….. unti-unting naglaho na rin ang mga kasamahan niya… Doon tumulo ang isang mahabang luha. Nakita kong may gumulong na isang kulay dilaw na bilog mula sa pinag-alisan ni Rowell.. lumapit ako upang tingnan….

 

At napatawa ako sa nakita ko… Isang maliit na Winnie the Pooh Bear na may note na…

 

Poohkingkay,

I will always remember you with your smile.
Love you! Open the ref when you get there.

 

                                                             Love,

                                                             Tulindoy”

 

 

Pagmulat ko ng mata……. Nasa higaan na ako.. at napabalikwas ako sa sobrang gutom at uhaw. Hindi ako mainom sa tubig at nung gabing iyon nakatatlong basong tubig ako. Para akong nagjogging nang malayo.

Pagtingin ko sa oras… 10 minutes before 12:00am. Grabe…. Ang haba ng nalakbay ko sa konting oras na yon. At hindi na ako nakatulog mula noon… masaya kong pinatugtog ang mga kantang kinanta namin sa panaginip hanggang umaga. Gusto kong makita ang pagsikat ng araw sa terrace namin.

 

Naalala kong buksan ang ref namin… Nagulat ako sa nakita kong Cookies and Cream na Ice Cream…. favorite ni Rowell yon eh… Kaya hindi ko alam kung panaginip ba yon o sadyang totoo…

 

Kanya-kanyang istorya.. kanya-kanyang bersyon.. ngunit ang pagkakaibigang nabuo sa buhay nila Tulindoy at Poohkingkay ay isang ala-alang habangbuhay na nakatanim sa puso at isipan ng bawat isa. Isang pagkakaibigang pagkakatandaan ko na at masayang ibabahagi sa mga taong makikilala ko.

 

At masaya akong may isang kaibigang sasalubong sa akin ng may batok at hataw pa sa balikat, pagdating nang panahong iyon.

 

Babushki, Kaibigang Tulindoy! Hanggang sa muling jamming! ;-)

 

Posted by sheggz at 8:05 pm | permalink | Add comment

     

October 2006
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines