Home » Post Item » Ang Spaghetti Bow
Ang Spaghetti Bow
October 31, 2006SFC Dedication at Amadeo.
Special Task: Alpha and Sheggz to cook Spaghetti.
Initial Status: Ok
Grabe…. aga naman nagising ni Alpha… para mamalengke.. at Grabe din!
Sa tatanda na naming ito.. hindi kami marunong mamalengke.. Nakakatuwa ung mga kakilala namin na nakakasalubong sa palengke… at ang tanong ba naman sa amin eh..
"Oh anong himala at namalengke ka Sheggz?"
Buti na lang at nakita namin si Niño at tinulungan kami tumawad at maghanap ng murang tindahan…
Hindi kami pareho marunong magluto. Mahilig lang talaga ako sa Spaghetti kaya alam ko pag masarap o hindi.
Eh grabe… 4 kilos of spaghetti ang kailangang iluto at kailangan ng after lunch. Bahala na… basta binantayan lang namin….
Umuwi sandali si Alpha… at ako naman eh nagbantay sa nilalagang noodles.. nabusog ako actually sa kakatikim ng noodles kung luto na o hilaw pa… Andung nagdikit-dikit ang noodles na parang lomi… sobrang naluluha na ako kasi ung una okay naman… tinikman pa ni bro..at masarap daw… aba ung mga sumunod grabe… Magic lang ginawa namin para magmukhang masarap… hehehe
At ang verdict?!? Masarap daw ang Spaghetti sabi nila… Ako eh hindi ko malunok…. hehehehe
Mukhang ngayon ayoko na ng Spaghetti… hahahaha
Mission Accomplished!







mukhang masarap! try mo gawa ka tukneneng. ^______^ heheheh..!
Posted by tukneneng at October 31, 2006, 8:43 pm