Home » Post Item » Sinakal ng Kasal….
Sinakal ng Kasal….
November 3, 2006Napag-usapan na rin lang ang kasal-kasal na yan… Kaninang umaga lang… habang nasa FX…ang daming naglalaro sa utak ko… mga pangyayaring inaasam kong mangyari sa kasal ng isang malapit na kaibigan…
Ano kaya reaction niya pag nirerecite na niya ang wedding vows niya?
Iiyak din kaya siya?
Bakit naman siya iiyak?
Ano kaya ang hitsura niya sa kasal niya?
Sana hindi siya mapahiya sa hitsura niya na noh?
Ano kaya reaction niya pag nakita niya ako sa kasal niya? ba?
May masasaktan ba?
Makakasakit ba ako?
O masasaktan lang nila ako?
Ano kaya naman ang hitsura ko sa kasal nila?
Eh paano kaya kung gulatin ko silang dalawa…
Na tutugtugin ko ang wedding song nila…
Mapapangiti ko ba sila?
Mapapangiti ko ba siya…..
Mapapawi ko ba ang lungkot sa sarili ko..
Mapapawi ko ba ang mga alalahanin sa kalooban niya.
Mararamdaman din kaya niya ang panghihinayang?
Paano niya kaya ako titingnan sa panahong iyon…
Na maaaring iyon na ang huling sandali na magkikita kami
o magpapakita ako sa kanya…
Makakangiti pa kaya ako ?
Ano kaya kung bigla akong sumigaw ng tumututol sa kasal?
Ano kaya reaction nilang lahat?
Sabay sabing … “Joke joke joke.. tuloy ang kasal?”
Hindi kaya ako mabugbog sa loob ng simbahan?
Pero may isang bagay akong naisip…
“Ako sana yung katabi niya sa harapan eh… Siya dapat ang nasa likod at nanonood… Sayang… Tangengot kasi kami pareho… Naduwag… natanga… na-ewan ko ba….”
Haaayyyy…
Iiyak kaya ako?
O pretend as if not affected chuva
Hmmm… bakit ko ba iniisip ito.
Hindi naman ako ang ikakasal..
Makikinood lang naman ako ng kasal…
Na sana ay kasal ko at kasal niya…
Ngunit hindi naging posible…
Wag na lang kayo ako manood.
Hassle eh.
Gustong gusto kong sabihin ito eh.. matagal na…
“Hoy, Bugoy…. I LOVE YOU… GOODBYE!”






