Home » Post Item » pag Full moon
pag Full moon
November 7, 2006Paluwas ako ng Maynila, dakong mga 7:00 ng gabi noon, nang ang atensyon ko ay mabaling sa maganda at maliwanag na Full moon… isa lang ang nabanggit ko…
"Kaya naman pala… Full moon"
Biglaan akong napaluwas ng Manila noong gabi ng Linggo. Sa di-inaasahang kadahilanan, naisipan kong umalis para makapag-isip-isip sa mga desisyon ko pang gagawin. Nais ko nang maging independent.
Nasa bandang Coastal Road na ako ng makatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan, si Yami.
Go out and look at the moon. It's gorgeous from where I am.
Agad kong sinagot na…
Nakita ko na yan kanina bago ako lumayas sa bahay.
At ang muli niyang text sa akin:
Oo nga! May naalala tuloy akong na eeng-eng pag full moon!
Dati kasi, sa mga forumers na Kawals.. tuwing nagcoconference kami… may topak ako pag full moon… naandiyang itanggi ko na supporter ako ng isang PBB Housemate at ica-claim ko na maka-Raquel Reyes ako. Whehehe… Asaran, tawanan, kulitan ang nangyayari noon sa chatroom tuwing full moon.
At dati rin, nabanggit ko kay Yami na ang taong tumitingin sa Full Moon… may malalim na iniisip… malalim ang pagkatao at may mabigat na dinadala…
Wala lang… naalala ko lang. Kakabit na yata ng pagpapanibagong-anyo at topak ko ang Full Moon
Natawa lang ako na kami pala ni Yami ay isa sa malimit tumingin sa Full Moon…. di dahil sa malalim kaming mga tao o may malalim kaming iniisip…. sadyang ang mga Timang ay nagkakasundo lang na magreport for duty sa aming Haring Buwan. Hehehe






