Home » Post Item » Team Pacquiao in the Haws!
Team Pacquiao in the Haws!
November 20, 2006I am not really a PacMan fanatic… actually I seldom watch his fights… but I promised myself not to miss the Grand Bout. So I woke up 9am of November 19, 2006 and tuned in to ABS-CBN’s delayed telecast of the Grand Bout. Cellphone was ready, fully-loaded and even texted my Tito in the States for early announcement…
The stories behind the Grand Bout….
Wala akong nakitang dumadaan na jeep sa aming busy na kalsada.
Ang mga tao ang aga namalengke… ang aga nagsimba.
Sa radio, ang Manila daw ay parang Biernes Santo… walang traffic.. sobrang tahimik…
Ultimo holduppers day off!
Sa Pampanga daw, ang bawat kanto, nakalabas ang mga TV… at ang mga Kapampangan, sabay-sabay nanonood ng laban.
At ipinapakita sa tv ang nationwide support ng Pinoys sa Kapwa Pinoy.
Ngunit higit pa sa mismong istorya ng laban na ito… ang ibang kwento na higit kong ikinatuwa.
Team Pacquaio in the house!
(L-R) Ama Turing, Nanang Ludy, Mader at Ina Minting
Isang kaibigan ko, si Yami, ang nasa Malapascua Island… isang island na walang kuryente.
10:01 am - “I’m still in the island watching it live from a house with maybe 50 people all males except me and my friend. Hahahaha only 25 pesos! VIP Kami dito!
10:02 am - Yagtan-aw ako nga! Live!
10:36 pm - Nagkagulo dito kasi may pupusta kay Morales. Hehehe! Wala kasing betting dito kasi puro pacquiao. Parang sabong ung mga senyas ditto! Hahaha Sarap ditto!
10:41am - Oo 7th round. Pawis na pawis na ko! Hehe!
12:28pm - Bro ko ayaw maniwala na draw kasi natumba ni Villoria. Sbi ko nga wag ka maniwala kay Ate. Sabay dumating text ninyo. Unfair daw. Pacquiao may have the same fate kung aabot sila ng 12 rounds.
12:33pm - Ganyan talaga kasi challenger si Villoria pag di niya tinumba kalaban. Say in case of a draw, the title remains with the defending champion. Kasi di niya tinalo napantayan lang.
12:38 pm - If Pacquiao won’t TKO / KO Morales and go for decision, he will not make it. Pacquiao-Morales fight on the way now.
12:44pm - Bayang Magiliw na. Grabe ang emotions ditto. Sarah Geronimo sings. STOP DISTURBING ME!
12:59 pm - The Mexican crowd is rude. Filipinos are hysterically cheering but are behave. I’m proud to be a Filipino today more than ever. Round 1 now. Pray.
1:13pm - It’s the best fight in years! It’s classic. Tapos na si Morales!
1:20pm - Watch it with a crowd around you. You will feel your adrenaline rushing! Paos ako!
1:25pm- “Island without kuryente pero dumiskarte just to watch Pacquiao Live. Beautiful island I’m at home here. You should visit this island once. Dami foreigners. Lunch na kami”.
7:06pm - Grabe! Pati sa bus Pacquiao ang mga songs! Wish our politicians are as passionate in governance as Pacquiao is in boxing… Hay.. poor Pinas….
1:10pm - “Pacquiao made it in 3 rounds!”
1:20pm - 3rd round knockout! Panalo c Pacquiao!
At tumawag ang Tito ko na nasa States… bukod ang text… bukod ang overseas call. Nagalit pa nang sinabi kong….
"Bakit dine ay si Morales ang nanalo?! Pareho ba tayo ng pinanood?!"
Tingnan natin ng malalim ang mga pagkakataong tulad nito.
Kayang kaya ng Pinoy ang magkaisa.
Ang gawing matahimik ang bansa.
Ang dumiskarte basta gusto.
Ang magbunyi sa tagumpay.
Ang sabay sabay na malungkot sa bawat laban.
Ang sabay sabay na pagiging masaya
Kayang kaya ng Pinoy kahit sa nasa ibang bansa ang ipakitang sumuporta sa kapwa Pinoy ng maayos at may pinag-aralan.
Kayang kayang ipakita ang galing ng Pinoy.
Sa laban ni Villoria ipinakita… sa kabila ng pagkatalo, ang Pinoy lalaban ng may dangal at marangal. At tumatanggap sa pagkatalo ng may buong respeto.
Nakataya hindi lang ang pangalan mo.. kundi ang milyon-milyong Pilipino.
Tutungo sa pagkatalo pero titingala sa nakakaraming tao..
“Sa susunod kong laban… Babawi ako! Babawi ako! Pilipino ako eh! Walang Pinoy na sumusuko sa laban ng buhay!”
Sa laban ni Pacquiao… sa kabila ng pagkapanalo… lumaban ng walang galit.
Sa bawat suntok, nagkakaisa ang sigaw …
Ng bawat Pinoy sa lahat mang sulok ng mundo.
Muli, itinatak ng Pinoy sa Kasaysayan ng Mundo…. Ang katagang…
Never underestimate the heart of Pinoys!
Sa Disyembre… ganito ulit!
Team Malalad naman kami!






