Home » Archives » 21. November 2006
Best Obong
November 21, 2006Last Sunday, I shared my plans of getting independent with my Nanang… my plans of really pursuing a new life abroad… of getting involved with the family business and doing the things I love.
I told her… “My mind is set to getting married by the time I am 28… and it is set to getting married with you-know-who. And it will not gonna happen anymore. I may not be allowed for reasons not yet known to me but I know He is preparing something great.”
My Nanang said, this time… give yourself more time to be happy. You’re getting older… but you need to be wiser… if you decide to be single alone, and then be the BEST SINGLE SOUL… if you decide to get married, be the BEST WIFE and MOTHER and DAUGHTER-IN-LAW.
Do you think I can be like that?
I am sure you could be the BEST OBONG. Don’t be overly concerned that you have disappointed other people, your mentors, your friends… do not allow that you disappoint yourself because it’s another story.
I never gave up my dreams… it sits somewhere else.
Even before, I know that I’m different from the girls of my age. My dreams are bigger than me… And only when I saw Pope John Paul II accidentally in Luneta in 1995 waving at me, that I promised to be not just good but to be more than thrice be good.
Do you still want to be a songwriter?
Yes… and I’m working on it, Nanang. I’m writing a song actually… about…
Letting Go of Love.Aba! In-love ka?
Opo. Pero ang title… “Hanggang Dito na Lang”. I’ll go back to what I’m comfortable doing… writing songs and let someone arrange it. But I need to enroll din. I love music more than anything else. Sayang naman kung nakaimbak lang.
Ninang Santa
Last Sunday, I talked to my Ninang Nanang. I need to be a lil wiser on giving gifts to my inaanak. In short “magkukuripot”. Aside from they are getting many and many each year, presents are getting expensive and Ninang’s budget is getting lesser and lesser, too. Anyway, it’s the thought that counts. Asows… lulusot pa!
I always update my list and update their ages. I also have the lists of my mom, my dad, my bro and my lola’s inaanaks… cuz I’m the one in-charge of buying gifts… o diba parusa… hehehe? I used to have an early shopping… mga end of October dati.. i start buying gifts… But this time, I dunno if I could still visit the malls and the tyangges… so busy and no money!
Sometimes your preference of gifts depends on the hierarchy… most of my inaanaks are daughters and sons of my good friends. So their moms and dads would request for something..
Mare: Ninang, regaluhan mo naman si Ineng nang dress na Guess.
Muntik ko nang malunok ang buto ng chicken.
Sheggz: Bakit, anak ko ba yan?
Mare: Sige na, sa yo lang naman ako pede maglambing nang ganito eh.
Sheggz: Kahit kilitiin mo ko… iba na lang hilingin mo. At baka ako eh nakasando at
nakayapak na lang sisimba sa Pasko. Hahahahaha
Meron naman jan pati kapatid ng inaanak ko… inaanak ko na rin… Tapos lahat yan, every year, hinahanapan ako ng Ninong. Sarap pagbabatukan eh… pinahirapan na ako maghanap ng regalo… pati ba naman Ninong!
Happy Birthday Hello Kitty!
Aside from anniversary date… November 21 is my Mareng Mean's birthday! Mean-tot… is my childhood bestfriend. Good that I have remembered it before the day ends. But I seldom see her now because she and her family moved to another location in Amadeo.
Sheggz: Happy Birthday, Mareng Mean!
Mean: Thank you po, gift ko?
Sheggz: Cge, sa sunday. Ano gusto mo?
Mean: Di na, ikaw naman. joke lang un noh.
Sheggz: Kitakits tayo kahit sandali lang sa Sunday
Mean: Cge, tingnan ko, nasa caburlotto kasi kami, recollection,
txt kita.
Sheggz: Para saan?
Mean: Parents Recollection sa Sunday, sa Caburlotto.
Natigilan ako.. oo nga pala.. I forgot… may asawa na nga pala si Mean. Dati-rati, kahit wala pang text non.. ang bilis naming makapag-organize ng gimik. Dudungaw lang siya sa bintana at sigawan kami.. ayos na ang gimik! Ngayon, hindi na. Pero naiintindihan ko. Parents Recollection.
Sa sobrang close naming dalawa… natatandaan ko na… pamanhikan pa lang nila…
ako pa ang huling tinanong niya kung papakasal na siya. Kaibigan ko rin ang napangasawa niya.
Hindi ko alam kung dahil sa pag-sang-ayon ko kaya siya ikinasal o dahil sa handa na talaga cia.
At noong ikinasal niya… sinunod niya talaga ang mga pangarap namin noong bata pa kami. Kung sino ang unang ikakasal, ung isa ay Maid of Honor… at ang belo ng Maid of Honor ay mahaba din tulad ng sa kanya.
Ang nangyari… a day before the wedding, dumating ang mga gowns… maiksi ung sa akin… so dali-dali nagawa ng bagong gown… pero sinunod pa rin niya ang mahabang veil. Saan ka naman nakakita na wedding na niya.. ang inaasikaso pa rin niya eh kung maganda ako sa wedding niya at kung pareho kami ng veil.
Ang kulit noh?
Btw, si Mean ang nagturo sa aking kumain ng Lucky Me Pancit Canton Calamansi Flavor at the age of 24.
Ang sarap pala nga!
Nakakamiss din talaga ung mga kaibigang matagal mo nang nakasama… at ung mga pagkakaibigang hindi na magigiba ng panahon dahil ang lalim lalim nang pinag-ugatan.
Happy Birthday Hello Kitty!
Readers’ Corner
Halloer! Nakakatuwa namang malaman na may nagbabasa talaga ng blog entries ko. Hayaan ninyo aalalahanin ko pa ang iba pang mga bagay sa aking buhay at magiging mapagmatyag ako sa mga nakikita ko para lagi akong may maiblog. Salamat Chris of New Zealand… o diba, kay Jojo ng US…. wow naman… sa Sidekicks, sa Kaibigang Kawals, kay Ate Lilian sa US, sa mga managers jan sa Panasonic at engineer jan sa Transco (hehehe), sa mga ghosts at stalker na nag-aaning-aning lang jan… sa mga kapwa Timang, sa mga friends ko talaga bago pa magshowbiz (hahahaha)… kay Besku at sa mga mahal at dating minahal.. at mamahalin… at umaasang mamahalin … aww!
Basta sa mga taong sabay kong napapaiyak at napapatawa… saan mang panig ng mundo. Sa mga tumataas lang ang kilay jan.. oks lang yan.. Di ko naman kayo nakikita.. Hahaha
Damay-damayan na nang sayad ito.
Nawa'y may matutunan tayong lahat sa mga pinagagagawa ko.
Salamat…. Masarap maging Malaya at Masaya!
November 21, 1999
Nagising ako kaninang iniisip kung ano nga ba ang impact ng November 21 sa akin. Ang tagal kong inisip hanggang sa naisipan kong maligo na lang.
Ayon! Natandaan ko pa na… noong November 21, 1999… halinhinan ang phone calls sa bahay.. Pag isang maikling ring … alam ko kung galing kanino…
Kausap ko noon si Ate Raquel at si Mean… Madaling araw na noon at walang natutulog sa amin. Pati si Pareng Jordan. Natutuwa akong maalala ang mga kilig, ang mga magagandang payo sa akin ng dalawa kong kaibigan… ang sayang nararamdaman din noon ng taong mahal ko…. dahil pagdating ng 7:30 ng umaga, kailangan kong umattend ng misa at doon ay naghihintay ang isang espesyal na tao na magiging parte ng buhay ko. Doon ko cia sasagutin… whehehe Charing!
E ano pa nga ba…. pagdating ko.. andun cia… si Ate Raquel andun din.. magkakatabi kaming tatlo… Alam kong batid ni Ate Raquel ang kaligayahan ko nang araw na yon. Sa harap ng Dios, ipinakilala ko si Pare! Ang saya saya… ang natatanging Sugar and Cupcake.. amputeks!
Nakakatuwa din na makita ang sarili kong masaya…. in-love? Hmm… basta masaya…
Kaya lang 2 araw lang tumagal itong ngiti at kilig…
Hindi kasi alam sa bahay. Walang nakakaalam neto.
Gusto ko pa naman…. alam nila…. Kala mo naman pakakasal na… Hehehe
Mahalaga lang sa akin na alam nila.
Nagising agad ang Timang! Pero naniwala naman ako ng sa isang araw o sa dalawa… naranasan kong may mahalin… at totoo ako dun!
Kaya Parekoy…. anniversary pala natin dapat ngayon! Asan na CD ko? Hehehe
Tenchu!
Abnoy at Timang… bagay kaya?
Hehehe andito na ako sa edad na ang mga taong nakapaligid ay inip na inip nang ako ay maikasal o mga atribida sa buhay na may maipakilala na ako kina Ina at Ama na nobyo o mapapangasawa.
Kung magpapadala ka sa pressure eh talagang makakapag-asawa ka talaga ng wala sa oras, napilitan lang o nagkahiyaan na lang.
Sila ay pressured… ako ay relax na relax lang. Wala naman sa akin kung makasal o hindi. Hindi ko rin talaga nakikita ang sarili kong ikakasal.
Higit kong kinakaayawan ang magpakasal sa taong hindi ko talaga gusto! Patay tayo jan!
Nang mabalitaan kong ikakasal na ngayong Disyembre ang taong alam kong gusto ko at hinintay ko nang matagal na panahon, isinara ko na rin ang mga posibilidad na mag-aasawa ako.
Kung mabubuksan man o hindi ang pintuang bakal na iyon, iyon ang hindi ko alam kung kailan, kung paano, at kung sino.
Kagabi lang, papauwi ako… may nakasabay akong tao. Hindi ko pinapansin ang taong ito sa panahong nakikita ko lang siya. Hindi ko rin nga matandaan ang pangalan sa di iilang beses na naipakilala ang taong ito sa ken. At kagabi nga lang, doon ko nalaman na magkasing-edad lang kami. May kwentang kausap… nakakatuwa ang mga pangarap at plano nya sa buhay. At nakikita ko ang sarili ko na natutuwang makinig sa mga kwento.
Pagbaba ko ng sinasakyan ko… ito lang ang naisip ko.
Hehehe Goodluck! Parang may mararating ang loveteam ng Timang at Abnoy!
At hanggang ngayong umaga… hindi ko pa rin maalala ang pangalan ng taong ito. At tulad ng nakagawian… nakalimutan ko na rin ang mga posibilidad.
The worst kind of suffering
If pain must come… may it come quickly.
Because I have a life to live and I need to live it in the best way possible.
If he has to make a choice, may he make it now.
Then I will either wait for him or forget him.
Waiting is painful.
Forgetting is painful.
But not knowing which to do is the worst kind of suffering.
This was sent to me by Epey last night just before I sleep. I read it more than once…
I smiled… "Nakakatuwa naman… Parang ako ang nagsulat."
But it's true.. "not knowing which to do is the worst kind of suffering."






