Home » Post Item » Abnoy at Timang… bagay kaya?
Abnoy at Timang… bagay kaya?
November 21, 2006Hehehe andito na ako sa edad na ang mga taong nakapaligid ay inip na inip nang ako ay maikasal o mga atribida sa buhay na may maipakilala na ako kina Ina at Ama na nobyo o mapapangasawa.
Kung magpapadala ka sa pressure eh talagang makakapag-asawa ka talaga ng wala sa oras, napilitan lang o nagkahiyaan na lang.
Sila ay pressured… ako ay relax na relax lang. Wala naman sa akin kung makasal o hindi. Hindi ko rin talaga nakikita ang sarili kong ikakasal.
Higit kong kinakaayawan ang magpakasal sa taong hindi ko talaga gusto! Patay tayo jan!
Nang mabalitaan kong ikakasal na ngayong Disyembre ang taong alam kong gusto ko at hinintay ko nang matagal na panahon, isinara ko na rin ang mga posibilidad na mag-aasawa ako.
Kung mabubuksan man o hindi ang pintuang bakal na iyon, iyon ang hindi ko alam kung kailan, kung paano, at kung sino.
Kagabi lang, papauwi ako… may nakasabay akong tao. Hindi ko pinapansin ang taong ito sa panahong nakikita ko lang siya. Hindi ko rin nga matandaan ang pangalan sa di iilang beses na naipakilala ang taong ito sa ken. At kagabi nga lang, doon ko nalaman na magkasing-edad lang kami. May kwentang kausap… nakakatuwa ang mga pangarap at plano nya sa buhay. At nakikita ko ang sarili ko na natutuwang makinig sa mga kwento.
Pagbaba ko ng sinasakyan ko… ito lang ang naisip ko.
Hehehe Goodluck! Parang may mararating ang loveteam ng Timang at Abnoy!
At hanggang ngayong umaga… hindi ko pa rin maalala ang pangalan ng taong ito. At tulad ng nakagawian… nakalimutan ko na rin ang mga posibilidad.






