Home » Post Item » Boom Boom Boom!
Boom Boom Boom!
November 22, 2006Karugtong ng kwento…
So malapit ng mag-10 ng gabi nang maghiwalay kami ni JP… pagsakay ko ng jeep na Morayta Gastambide… diretso agad ako sa may bandang likod ng driver. May naririnig akong intro ng kanta pero hindi ko pinansin dahil hindi pamilyar.
Ako lang ang sakay ng jeep at siyempre, ung driver. Ang mga kamay ko ay puno ng bitbit. Narinig ko na lang na sinabi ng driver na..
Driver: Miss, hindi ka siguro fan ni Willie ano?
Sheggz: Bakit naman po?
Driver: Hindi mo alam itong kanta eh.
Sheggz: Hahahahahaha
Hindi nya alam na sa kabila ng madami kong bitbit… sa utak ko ay naglaro ang isang scene na ..
Halos ihampas ko ang kaliwa’t kanang kamay ko… kembot magkabi-kabila at umindak sa saliw ng musikang…
Boom Tarat Tarat… Boom Tarat Tarat
Tararat Tararat
Boom Boom Boom.
Sabay yooohoooo!
Tinamaan lang ako ng hiya dahil baka mapagkamalan akong kulang-kulang eh nakaoffice attire pa naman ako.
Sheggz: Hahahahahaha Manong… hindi ako fan ni Willie.. pero alam ko ang Boom Tarat Tarat! Munti ko na ngang sayawin yan sa studio nila nung isang linggo. Tinamaan lang ako ng hiya.
Natawa ang driver.
Driver: Talaga? Nagtatrabaho ka na ba?
Sheggz: Opo
Driver : Masarap bang magtrabaho?
Sheggz: Hmm.. trabaho rin po ang pagdadrive. Masarap po ba?
Driver: Hindi ko naranasan kasi magtrabaho nang namamasukan. Ito na agad ang trabahong alam ko. (sabay tawa)
Sheggz: Kahit anong trabaho naman po mahirap pero kailangan masaya ka para okay.
May pamilya po ba kayo?
Driver: Oo. Malapit nang magtapos ang bunsong anak ko. Teacher, ung isa Engineer at ang panganay ko ay Midwife pero nasa Call Center ngayon.
Sheggz: Yon po ang accomplishment report ninyo kung nasa opisina kayo.
Driver: Oo nga. Malapit na rin akong magretire. Gagawin ko na lang itong pagmamanehong part-time. Hahahaha
Sheggz: Galing mo nga Manong eh. So paano po.. baba na ako.. lalampas na ako eh. Sana makasakay ko ulit kayo. Tuloy natin ang kwentuhan natin. Matatandaan ko ang mukha ninyo.
Driver: Sige. Ingat ka at gabi na. Bibiyahe pa ako hanggang alas-dose.
Sheggz: Ingat din po. Boom Boom Boom!
At sabay kaming natawanan habang ako ay pababa.
Previous Comments
Maraming Salamat Adam! Yup… Ibang kaligayahan ang may mapapangiti ka… at mapapangiti ka sa kwento nila.
;-)
Posted by sheggz at November 22, 2006, 12:39 pm






Nakakatuwa itong kwento mo na ito. Kse di ba…sa kadalasan e nilalampasan lang naman natin ang isa’t isa sa kalsada. Pero yun pag babahagi ng kapirasong aspeto ng buhay sa isang kapwa tao, bihira yun. Naaliw na naman ako.
Posted by Adam Mordo at November 22, 2006, 10:58 am