To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Sa likod ng Medalya

November 23, 2006

Kagabi pa ako nag-iisip…habang naglalakad sa kahabaan ng Mendiola…

 

Ang mga atleta… bida kapag may mga laban…
Bida at sikat kapag may naiuwing medalya…
Nakakalimutang bigla kung walang nadala…

Ano ang ipinagkaiba ng lumaban at nanalo sa lumaban ngunit natalo.

Pareho lang ang hirap na dinanas sa ensayo.
Parehong disiplina lang naman ang sinunod.

Hindi pala talaga biro maging atletang Pinoy.
Ibinigay mo na ang kaliwang kamay…
Ineexpect pang ibigay ang kanan..
At kung matalo sa laban..
Kulang pang buong katawan ang ialay.

 

Paano kung injured..
At limitado ang kakayahang mag-ensayo
Hindi sa ayaw kundi sa sitwasyong hindi kontrolado ng tao.

Bigla akong namulat sa totoong kalalagayan ng mga atleta.
Para sa medalya…
Para sa karangalan…
Para sa lahat…
Kailangang lumaban…

 
Alam kong napakahalaga sa iyo ng labang ito.
Ngunit hindi magiging kakulangan bilang isang tao.
Kung mabigo ka man dito.

Hindi miminsan mo nang pinatunayan sa mundo at sa kapwa mo Pilipino.
Hindi ka makakarating sa kinaroonan mo ngayon kung hindi ka magaling.
Hindi pangkaraniwan ang marubdob na hangaring magbigay ng karangalan.

 
Sa laban mong ito…
Hindi man kami makasipa sa kalaban gaya ng kaya mong gawin.
Hindi ka man namin maiganti sa bawat sipang maigagawad sa yo
Wala man kami sa lugar kung saan andon ka.
Pero nakamatyag kaming lahat sa anumang kaganapan.

Ang tagumpay mo…
Ay tagumpay ng lahat ng Pilipino…

At ang pagkatalo..
Ay hindi pagyuko at kabawasan ng pagkatao.

 

Para sa naniniwala sa kakayahan mo…
Buong-buo ang suporta sa yo…
sa galing, kakayahan at mabuting pagkatao.
At para sa mga taong nag-aalinlangan sa yo.
Harapin mo at sabihing…
Pinoy ka… para din sa yo ang laban ko.

Sa suporta, dasal,
Suportado ka.


Posted by sheggz at 9:22 am | permalink

Add a comment








     

November 2006
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines