Home » Post Item » Stuffed Toys
Stuffed Toys
November 24, 2006Saw several stuffed toys placed in front of the fx. Since I was the only passenger at the time, I sat on the front seat. I asked,
Sheggz: Manong, ano bang meron sa mga stuffed toys.
Lagi akong nakakakita nyan sa mga sasakyan.
Driver: Naku, sa bunsong anak ko yan. Inihilera nya yan dyan dati pa. Noong
unang bili ko palang netong sasakyan.
Sheggz: Madudumihan lang po yan. Mahirap pa namang labhan yan.
Driver: Oo nga. Hinayaan ko na. Sabi kasi ng anak ko, nilagay niya yan jan para daw pag nagdadrive ako at namiss ko siya, tingnan ko lang daw ung
mga laruan. Para na rin daw siyang andito sa tabi ko.
(Bigla akong natahimik. May sentimental value pala yung mga stuffed toys na inookray okray ko lang)
Sheggz: Nakakatuwa talaga ang mga bata pag naglalambing
Driver: Oo nga. Yung anak kong yun napakalambing.
Sheggz: Ilang taon na po ba?
Driver: Dapat ngayon mga 7 years old na yun.
Sheggz: Dapat ngayon? Bakit po?
Driver: Namatay kasi ang anak ko sa leukemia. Ikalawang anak namin. Hindi na
naagapan. Kaya kahit madumi na yang mga laruan niya, hindi ko inaalis
dyan… at hindi ko na talaga aalisin. Iyan ang habilin nya sa akin eh.
Sheggz: Ganun po ba? May angel pala kayong bantay habang nagdadrive.
Driver: Oo.. ung bunso ko.
Sheggz: Ma, dyan na lang po ako sa tabi. Salamat po.
Driver: Walang anuman.
Sheggz: Salamat sa kwento. Naiintindihan ko na kung bakit may mga stuffed toys.
Driver: Hahahaha






