To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Ano yun?

November 30, 2006

Sa panaginip ko kanina, alam kong nanaginip lang ako.  Ano?

Ang sabi ko daw…

Ahh.. kakagaling ko lang dito kani-kanina lang tapos andito na ako ulit. 
Pano nangyari yun.

May isang nagsabi na… nasa panaginip ka ngayon.

Napunta ako sa isang lugar na pinuntahan ko lang kagabi.
Ang nangyari parang continuation lang ng kwentuhan.
Present dun ang mga aktuwal kong kausap kagabi sa kaparehong posisyon. 
Suot pa rin namin yung mga damit namin noon.

Sobrang haba ng panaginip ko at naiinip ako.  Tatlo sa nasa harap ko malakas ang tawanan at kwentuhan except sa akin at sa katabi kong babae.

Tinanong ko ang katabi ko:

 

May sasabihin ka ba sa akin?

Nanatiling nakatingin lang ang babae. Ang haba ng tingin ngunit walang sagot. 
Hindi deadma.  Ang nasasaisip ko nun eh kailangan kong basahin ang nasa laman ng utak niya.
Nagsalita ako pero hindi na patanong

 

 

May sasabihin ka nga sa akin.

Imbes na sagutin ako.  Ngumiti lang ang babae at humilig sa kaliwang balikat ko.
Humilig naman ako pakaliwa sa ibabaw ng ulo niya na nasa balikat ko.  Sabay sabing…

 

O ayan, pinag-connect ko para kung ano man ang iniisip mo malipat sa ulo ko.

Antagal sa ganoong sitwasyon na walang salita… tahimik kaming dalawa at ang mga nasa harap ko ay nakikita kong nagtatawanan sa kwentuhan nila ngunit hindi ko naririnig.  Ang alam ko lang, nung mga panahong iyon, parang magkahiwalay na dimensiyon kami nung katabi kong babae at nung mga nasa harapan ko.

Pagmulat ko… yung babaeng wala na sa tabi ko..
Nagulat akong nakasakay na sa sasakyan niya…  na nasa harapan ko.
Napakunot ang noo ko. 
Nakita kong tumungo.. pinapasakay ako sa sasakyan.
Sumenyas akong pano yung mga kasama namin sa kwentuhan.
Pagtalikod ko upang tingnan ang iba, wala na sila dun.
Tumingin lang siya ng diretso sa akin, sabay yumuko. 
Lumapit ako sa sasakyan, sa window sa driver's seat. 
Tumango ang babae at umalis ang sasakyan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.  Kung sumakay ba ako ng sasakyan o naiwan akong nakatayo.  Pero sa panaginip ko… hindi ko na muling nakita ang sarili ko.

At nagulat akong ang scene na pinagtapusan ay isang forest.

Nagising akong bigla at ang tanging naiwan sa utak ko…

 

 

May sasabihin ka sa akin.

Ang nagtataka lang ako, isang araw bago ko napanaginipan ito, napanaginipan din ng isa kong kaibigan na kilala rin yung babae… may pagkakahawig ang panaginip at hindi nagsasalita ang babae, at parehong may involve na sasakyan.

Ano yun?


Posted by sheggz at 1:27 pm | permalink

Add a comment








     

November 2006
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines