To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Bulate and Spider Buster

January 4, 2007

Heinakuh!

May riot na namang nangyari sa loob ng paliguan ngayong umaga.  Parang Morales at Pacquiao ang laban.  Tumagal halos ng ilang minuto bago humupa ang riot.

Sa pagitan ng bulate, alilawang bahay at si Sheggz.

Naubos ang oras ko ngayong umaga para lunurin ang bulate palayo sa akin at makipagsindakan sa mahahabang galamay ng alilawa.  Naubos din ang malaking timba ng tubig. Hahaha

Hindi ko rin talaga batid kung bakit ganon na lang ang takot ko sa dalawang tahimik na hayop na ito.  Wala namang ginagawang masama sa akin kundi makipagtitigan at humanay sa pagitan ng tiles ng cr… pero sadyang lumiliit ang mundo ko sa mga creatures na ito.  Hindi hamak namang mas malaking tao ako kumpara sa kanila pero sadyang tiklop ako sa dalawang ito.  Mas takot pa ako dito kesa sa ahas… hehehe

Masyado kasing malawak ang imagination ko… sa simpleng pakikipagtumang sa kanila ang nasa utak ko ay iba… isang malaking octopus at anaconda ang kalaban ko… at anumang oras ay kakainin ako.   Kaya nagfee-feeling spiderbuster ako.

Any moment pwede akong gapiin ng supersonic bullets at super dikit na spider web.

Hehehe sensya na po.  Hanggang sa muling matinong blog na lang ulit.

Posted by sheggz at 3:44 pm | permalink | Add comment

The Kwak Kwak Story

 

Nagtext sa akin ang isang kaibigan sa New Zealand. 

While driving home… naligaw daw siya.

At sa kamalasan, nakasagasa pa daw siya ng isang Duck.  Buti na lang daw at walang taong nakakita sa kanya kundi kapwa duck. 

Honestly, nalungkot ako when I got this message.

Naawa ako sa duck.  Baka kako may gimik pang pupuntahan ang tropang duck tapos naunsiyami dahil nasagasaan nga ang isa.  Ewan ko ba kung bakit nalungkot ako.  Inisip ko kasi na baka para sa kaibigan ko, ganun-ganun na lang iyon. 

Then, another text ulit.

Dead on the spot ung duck.  Lalo daw nakonsensya ung kaibigan ko pagbalik niya mula sa pagkakaligaw ng daan nang makitang pinalilibutan ung namatay na duck ng 10 ducks at pinagtutulung-tulungan ang pobreng duck na itulak sa tabi ng daan. 

Hala… lalo akong nalungkot ng mabasa ito.  Dahil naimagine ko ang sitwasyon ng mga ducks.

Kahit hayop lang sila… natuwa ako na tulad ng tao, may damdamin din pala talaga ang mga ito.

Sabi ko na nga ba… maaaring may pupuntahang New Year’s Party ang Duck. 

Naalala ko tuloy yung nakita naming patay na nakahandusay sa daan diyan sa may Bacoor, Cavite noong December 24 dakong 5:30 ng madaling araw.  Ang bangkay ay pinalilibutan ng 3 pulis ngunit hindi inaalis sa kalunos-lunos na lugar na pinangyarihan ng aksidente.  Dahil siyempre, iniimbestigahan pa.

Buti pa ang duck… instant response agad ang tulungan ang kapwang duck na namatay na maisantabi man lang sa gilid ng daan para hindi na makaabala sa daan at nang hindi pa masagasaan muli ng nagdaraaang sasakyan.   Alam nila na hayop lang sila… para sa kanila… sa katulad ng ganoong aksidente, hindi na umaasang imbestigahan.  Sapat na ang maisip na, naaksidente ang kaawa-awang kaibigan at walang dapat ibang gawin kundi maisaayos ang kalalagayan. 

Samantalang iyong bangkay ng tao na nakita namin?  Haaay… ilang oras pa sigurong pagpipiyestahan sa daan… gutay-gutay ang laman.. gula-gulanit ang suot na damit… malas pa kung masisi ng pulis at ng mga tao na maaaring “Lasing yan siguro kaya nasagasaan… tatanga-tanga kasi”.

Sa nabanggit kong 2 sitwasyon… alin ang mas pipiliin mo…

Magkaroon ng PUSO ng isang DUCK o ang nagdudunung-dunungan na PUSO ng TAO?

O magkaroon ng Kaibigang DUCK o Kaibigang TAO?

Chris, pagpray mo ung DUCK ha?

Parang ganito…

Dear God..

Quack Quack.. Quack Quack Quack… Quack Quack Quack Quack…

God won’t hear how brilliant you construct your prayers or how well you deliver it.  He looks inside your heart whether you are sincere in praying…

Message ko para sa Duck:

Maaaring hindi natuloy ang gimik mo…
at never nang matutuloy pa dito sa Earth… pero don’t worry… mas okay sa Heaven ang gimikan…

Quack Quack lagi ha?

 

Posted by sheggz at 3:41 pm | permalink | comments[1]

Pag bago ang taon…

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaexperience netong mga bagay na ito everytime na nagpapalit ng taon. 

  1. Hirap bumangon at gumising
  2. Wala sa mood magtrabaho dahil may hangover pa ng bakasyon
  3. Lagi akong nagkakamali sa pagsusulat ng year
  4. Andaming emails… Christmas at new year greetings samahan pa ng birthday greetings
  5. Mga pang-aalaska na gaya neto.  “O anong taon na… wala ka paring asawa”
  6. Laging disappointed sa first-day of the new year eh hindi na agad nasugod ang resolution
  7. May performance appraisal ako sa buhay ko at nagce-create ng mga bagong plans
  8. Trying to get a new look for the new year
  9. Baon-baon ang mga natirang pagkain ng bakasyon
  10. Nirerecheck ko ang edad ko..
Posted by sheggz at 1:33 pm | permalink | Add comment

Tenchu Tenchu!

Hehehe… I mentioned about my birthday last year that I haven’t got any gifts from friends and families in exchange of voting for my bet in a reality show.

So this year I wasn’t expecting any more gifts from them.  I thought that I’m too old and my friends and families could’ve forgotten my birthday and that of making extra efforts to buy me one esp. in this time of the year where all of us need to tightened our budgets for the holiday season.

But I was wrong. 

I got so many Pooh bears of different kinds and sizes… some are the same… and memorable gifts from friends.   Some needs to be DHL(ed). 

… a spaghetti and cake treats from my Besku and Apple

… my favorite Mrs. Dash from Matto

… my favorite Pooh picture frame from Apple

… sexy blouses from Apple, my bro and my mom

… 80th Pooh from Didong and Rachelle

… my fave “The Cure” movie from Chris

… several other Poohs from friends in Tobias, officemates and special friends (hehehe)

… a sumptuous lunch treat courtesy of my Lolo and Lola

… text messages, e-cards, e-mails, testimonials and greetings at various forms

… surprise visits from long lost friends

… the many chocolates and pastries that caused holiday migraine… whehehe

… kikay bags, self-help books, scrapbook, kikay accessories, cake treats, cds

I laughed at several messages…

“Friendship, ang akala namin kelangan pa namin pumunta ng PBB House at kay Big Brother pa namin ipapaabot ang gift namin sayo.  Balak ka pa namin paiyakin sa confession room.”

 

“Another Pooh to be added in your collection.  I remember you always seeing them around at the malls.”

Just this morning, I got a pahabol na gift from my officemate… I was surprised if it’s a Christmas or Valentine gift… hehehe He wasn’t around on Christmas Party due to job assignment at Cebu.  I opened the paper bag and found one metallic gold bag… whehehe … thanks Jeddah!

Pinuno ninyo po ng Pooh ang kwarto ko… wala na ako tulugan…. hehehehe

Tenchu Tenchu Tenchu!

Natameme ako sa overflowing gestures of love and friendship… Kalokah!  ;-)

Posted by sheggz at 1:23 pm | permalink | Add comment

     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines