Home » Post Item » Bulate and Spider Buster
Bulate and Spider Buster
January 4, 2007Heinakuh!
May riot na namang nangyari sa loob ng paliguan ngayong umaga. Parang Morales at Pacquiao ang laban. Tumagal halos ng ilang minuto bago humupa ang riot.
Sa pagitan ng bulate, alilawang bahay at si Sheggz.
Naubos ang oras ko ngayong umaga para lunurin ang bulate palayo sa akin at makipagsindakan sa mahahabang galamay ng alilawa. Naubos din ang malaking timba ng tubig. Hahaha
Hindi ko rin talaga batid kung bakit ganon na lang ang takot ko sa dalawang tahimik na hayop na ito. Wala namang ginagawang masama sa akin kundi makipagtitigan at humanay sa pagitan ng tiles ng cr… pero sadyang lumiliit ang mundo ko sa mga creatures na ito. Hindi hamak namang mas malaking tao ako kumpara sa kanila pero sadyang tiklop ako sa dalawang ito. Mas takot pa ako dito kesa sa ahas… hehehe
Masyado kasing malawak ang imagination ko… sa simpleng pakikipagtumang sa kanila ang nasa utak ko ay iba… isang malaking octopus at anaconda ang kalaban ko… at anumang oras ay kakainin ako. Kaya nagfee-feeling spiderbuster ako.
Any moment pwede akong gapiin ng supersonic bullets at super dikit na spider web.
Hehehe sensya na po. Hanggang sa muling matinong blog na lang ulit.






