Home » Post Item » The Kwak Kwak Story
The Kwak Kwak Story
January 4, 2007
Nagtext sa akin ang isang kaibigan sa New Zealand.
While driving home… naligaw daw siya.
At sa kamalasan, nakasagasa pa daw siya ng isang Duck. Buti na lang daw at walang taong nakakita sa kanya kundi kapwa duck.
Honestly, nalungkot ako when I got this message.
Naawa ako sa duck. Baka kako may gimik pang pupuntahan ang tropang duck tapos naunsiyami dahil nasagasaan nga ang isa. Ewan ko ba kung bakit nalungkot ako. Inisip ko kasi na baka para sa kaibigan ko, ganun-ganun na lang iyon.
Then, another text ulit.
Dead on the spot ung duck. Lalo daw nakonsensya ung kaibigan ko pagbalik niya mula sa pagkakaligaw ng daan nang makitang pinalilibutan ung namatay na duck ng 10 ducks at pinagtutulung-tulungan ang pobreng duck na itulak sa tabi ng daan.
Hala… lalo akong nalungkot ng mabasa ito. Dahil naimagine ko ang sitwasyon ng mga ducks.
Kahit hayop lang sila… natuwa ako na tulad ng tao, may damdamin din pala talaga ang mga ito.
Sabi ko na nga ba… maaaring may pupuntahang New Year’s Party ang Duck.
Naalala ko tuloy yung nakita naming patay na nakahandusay sa daan diyan sa may Bacoor, Cavite noong December 24 dakong 5:30 ng madaling araw. Ang bangkay ay pinalilibutan ng 3 pulis ngunit hindi inaalis sa kalunos-lunos na lugar na pinangyarihan ng aksidente. Dahil siyempre, iniimbestigahan pa.
Buti pa ang duck… instant response agad ang tulungan ang kapwang duck na namatay na maisantabi man lang sa gilid ng daan para hindi na makaabala sa daan at nang hindi pa masagasaan muli ng nagdaraaang sasakyan. Alam nila na hayop lang sila… para sa kanila… sa katulad ng ganoong aksidente, hindi na umaasang imbestigahan. Sapat na ang maisip na, naaksidente ang kaawa-awang kaibigan at walang dapat ibang gawin kundi maisaayos ang kalalagayan.
Samantalang iyong bangkay ng tao na nakita namin? Haaay… ilang oras pa sigurong pagpipiyestahan sa daan… gutay-gutay ang laman.. gula-gulanit ang suot na damit… malas pa kung masisi ng pulis at ng mga tao na maaaring “Lasing yan siguro kaya nasagasaan… tatanga-tanga kasi”.
Sa nabanggit kong 2 sitwasyon… alin ang mas pipiliin mo…
Magkaroon ng PUSO ng isang DUCK o ang nagdudunung-dunungan na PUSO ng TAO?
O magkaroon ng Kaibigang DUCK o Kaibigang TAO?
Chris, pagpray mo ung DUCK ha?
Parang ganito…
Dear God..
Quack Quack.. Quack Quack Quack… Quack Quack Quack Quack…
God won’t hear how brilliant you construct your prayers or how well you deliver it. He looks inside your heart whether you are sincere in praying…
Message ko para sa Duck:
Maaaring hindi natuloy ang gimik mo…
at never nang matutuloy pa dito sa Earth… pero don’t worry… mas okay sa Heaven ang gimikan…Quack Quack lagi ha?







hmmm well said… may mensahe nais iparating.. Sorry po Duck, ikaw naman kac open road po yun at nasa 130kph ako bat naman kayo tumawid sa highway meron naman bridge sa unahan. Di mo ba nabasa yung signboard: Ducks are not allowed to cross this open road. This is a high crash rate area. Please use the bridge 100 meters away from here. Sensya na po nakansel yung swimming ng tropa mo sa lake..But next time di na po ako dadaan dun .. naligaw na kasi ako..
Posted by chris at January 5, 2007, 11:05 am