To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Biyaheng Muntik

January 7, 2007

Pasaway strikes back!

Gabi na ako nakaalis ng Manila nung Saturday… para makarating ng Manggahan ng 12:30am.. gosh sa mga oras na iyon wala ng masasakyan na jeep papasok sa aming bayan.  Tulad ng dati, umaasa na lang ako sa mga maaawang driver na mapipilitang maghatid ng pasahero sa Amadeo.  Tindi kasi ng traffic sa MOA dahil sa World Pyrolympics.

Ganunpaman, hindi ako takot maghintay at umasa.  Ilang beses na rin ako umuwi ng halos walang pag-asang makakauwi pa ng bahay.

Nasa "very cool" akong sitwasyon ng may dumating na patrol ng pulis ng Gen. Trias.  Isang pulis ang bumaba mula dito at ang yabang ng dating na hinarap ako!

Pasaway ka talagang babae ka.  Umaga na ah.  Nagpilit ka na namang umuwi.  Anong masasakyan mo sa dis-oras ng madaling araw, ha?  Mag-boyfriend ka na kasi ng may maghahatid sa yo pauwi.

Pag wala pa ring dumaan na jeep, jan ka magpalipas ng umaga sa HQ.

Hehehe… ang pulis na ito ay dating teacher ng kapatid ko nung highschool.. si Sir Gallardo… ang dating patpatin na kenkoy!  Sinong mag-aakalang magiging alagad ng pulisya si Sir.. hehehe
Tropa-tropa ang turingan namin.  Minsan pa, dumadayo pa sa bahay para sa kuwentuhan at inuman… Pumasok cia sa loob ng Headquarters..

Paglabas niya, wala na ako sa harap ng HQ. Nakatawid na ako sa kabilang daan.

Agad kong nakita si Sir sakay ng motorsiklo patungo sa kinaroonan ko.

Pulis:      Naku.. nakaswerte ka na naman sa biyahe ah.

Sheggz: Sabi sa yo eh.. Never say die.. hehehe  Bus papuntang Amadeo… kakain lang daw ng goto ang driver at kundoktor.. Sabi ko kahit ilibre ko pa sila ng goto, makauwi lang.

Agad niyang pinuntahan ang driver at konduktor. 

Pulis:     Pre, pa-Amadeo ba kayo? 

Driver:   Opo, Sir.

Pulis:     Makikisuyo na nga lang itong kaibigan ko.  Ginabi ng uwi.  Pakihatid na lang sa bahay nila sa Amadeo ha?

Driver:   Walang problema, Sir.

Pulis:     Kinuha ko Plate No. ninyo ha.  Teka, out of line pa kayo ah.
(Inikot-ikot pa ng tingin ng pulis ang driver… nagmamatyag)

Sheggz:  Wag na kasing pagalitan.  Kundi ng out of line iyan hindi ako makakauwi.. hehe

Pulis:   Pakihatid na lang po ah.  Matino yan… mukha lang hindi.  At ikaw, isusumbong kita sa kapatid mo at sa inyo.  Tigas din ng ulo mo eh.

Sheggz:  Hahahahaha Okidok!  Grabe.. hindi ko akalaing dadating ang araw na magmumukha ka ring kagalang-galang.. hehehe

Hindi talaga umalis ang pulis hanggat hindi ako nakakaalis.

Nakakatuwa ang pangyayaring safe ako nakarating ng bahay.  Kasabay ko pa sa bus ang 2 kabataang lalaki na naging kaklase din pala ng kapatid ko sa IJA.   At nakakatuwang isiping may mga tao pa rin talagang taos sa puso ang concern lumipas man ang panahon.

Sir at sa classmate ni bro… Maraming maraming Tenchu!

Sa driver at konduktor.. sowee.. nakalimutan ko palang magbayad… hehehe napasarap kwentuhan natin eh.

;-)

Posted by sheggz at 7:46 pm | permalink | Add comment

     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines