To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Truth…

January 8, 2007

Some truths are hard to accept..

But it opens our hearts to the magic of life..

and that is..

strength from tears

and faith from nothingness. 

One very inspiring message… truth shall set us all free.. ;-)

Posted by sheggz at 3:27 pm | permalink | Add comment

Kwentong NoyPi ;-)

Itutuloy ko lang ang kwentong bus, ha?

Sabi kasi nga nung classmate ni Bro… galing daw cia ng Dubai.

 

 

Sheggz:            Aba’y bakit ka pa umuwi eh andun ka na pala?  Ako nga eh interesadong
makaalis ng bansa ngayong first quarter ng 2007?

Classmate:        Mas masarap talaga dito.  Kung maayos din lang ang kita mo dito, Ate, wag ka na lang umalis ng bansa.  Mahirap don.  Unless, working visa ang hawak mo bago ka umalis.

Sheggz:            Ay oo.. mas safe un.

Classmate:       Nasa Dubai kami nun at nagbalak magpunta ng Iran.  Alam mo ba na may  mga Pilipina doon na Sex for Fee… nang makaipon daw ng pamasahe pauwi ng Pinas.  Binigyan na lang namin ng pera.  Literal na kapit sa patalim.  Kaya kung hindi rin lang buo ang loob mo, wag mo ng asamin pang umalis at makipagsapalaran.  Hindi madaling kumita ng pera sa lugar na halos wala kang kakilala.

Classmate:        May natirahan ako dun… isang napakaliit na kwarto pang bedspace.  500 Dirhams ang renta sa isang buwan.  Iyon pala sa ganoong kaliit na kwarto halos pagkasyahin ang 4 na tao.  At ang tanging locker mo dun ay ang iyong maleta.

                        Napaswerte nga ako na minsan, isang Caviteño ang tumulong sa akin.  Kinupkop ako hanggang magkaroon ng trabaho.  Inalok ko ng renta sa bahay pero ang sabi, ipunin ko na lang daw para sa oras ng kagipitan.  Malaki na kasi ang sahod niya.

Napakahaba pa ng litanya ng kwento ng kababayan kong ito.  Pero ang dalawang nabanggit ang higit kong ikinatuwa.  Meron pa rin talagang mababait na Pinoy.  Ilan sa ilang milyon ang ratio, pero meron pa rin talaga. 

Bago ako bumaba ng bus, ibinigay pa niya sa akin ang agency na pwede ko raw applyan. 

Napangiti ako.  Maaaring hindi ko natandaan ang pangalan ng agency, pero ang kwento ng kagandahang-loob ng Pinoy sa Dubai, kahit pailan-ilan lang pero swak na swak, ang hindi ko makakalimutan.   Sana  hindi pa ito ang huling batch ng good noypis around the globe…

Kwentong NoyPi ;-)

Posted by sheggz at 1:34 pm | permalink | Add comment

Pag-ibig ni Baronz!

Heinaku!  Bago pa man ako nakaluwas ng Manila kahapon, more than 2 hours kami nagkwentuhan ni Ronz.  Mega-update ng status sa lovelife.  Mejo reminiscing at assessment mode ang bruha sa mga nagdaang boylets sa kanyang life.

Dito ako natawa.  Ung ex niya na dating inaway ako sa text, bati na pala sila.  Hanggang ngayon eh hindi ko pa rin makalimutan ang text niya sa aking…

 

Wag ka kasing makialam dahil hindi mo alam ang tunay na nangyayari. 

Hindi niya alam na mas marami pa akong alam sa kanya.. whehehe at ang Ronz pag nagkwento.. detalyado.. pati comma at exclamation point… present sa kwento.

Tapos may nabanggit cia na ganito…

 

5 failed relationships… Di ba hindi maganda ung ang dami ko nang ex? 

Napaisip ako sandali.

Alam mo Ronz, ito ang isang bagay na natutunan ko sa showbiz.  Hehehe

Wag mong intindihin ang sasabihin ng ibang tao.  You can hear comments. 
It's up to you to weigh things pero don't allow them to run your life.
May buhay kang sarili…na hindi nila dapat minamaniobra.

Eh kung sa 5 na failed relationships na  yun hindi mo pa rin natagpuan ang Mr. Right, eh anong magagawa natin.  Nakatakda kasi silang dumaan sa buhay mo.

Dumaan nga lang talaga.. whehehe

 At least ngayon hindi ka na katulad ng dati.  Nag-mature ka na sa paghahandle ng relationships… dati ang sarap mong batukan. 

Kung saan ka nadapa, dun mo pag-aralang pulutin ang sarili mo.  Wag mong hayaang ibang tao pa ang pupulot sa iyo para mabuo ka.  Isipin mong lagi na pagkatapos ng bawat relasyon, alam mo sa sarili mo na makakaharap ka pa rin ng diretso sa sinuman sa kanila.  Nagmahal ka pero hindi nagpakatanga.

Marahil kaya takot din akong magcommit sa isang relasyon ay dahil sa samut-saring kwento sa akin ng mga kaibigan ko.  Ako mismo ang napagod sa mga kalokohan at hindi maexplain na mga alibi ng mga ito.  Hindi mo talaga makikita ang tunay na ugali ng isang tao hanggat hindi mo nakakasama sa iisang bubong.

Merong mukhang anghel… pero puteks!  Mukha lang!  

Natawa pa akong lalo sa ex niya.. na nagsend ng ganitong message… 

Happy New Year to all! 

Whehehe mukhang nag-send-to-many lang… at sad to say… isa ka lang sa ordinary friends niya.

Posted by sheggz at 9:41 am | permalink | Add comment

     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines