Home » Post Item » Kwentong NoyPi ;-)
Kwentong NoyPi ;-)
January 8, 2007Itutuloy ko lang ang kwentong bus, ha?
Sabi kasi nga nung classmate ni Bro… galing daw cia ng Dubai.
Sheggz: Aba’y bakit ka pa umuwi eh andun ka na pala? Ako nga eh interesadong
makaalis ng bansa ngayong first quarter ng 2007?
Classmate: Mas masarap talaga dito. Kung maayos din lang ang kita mo dito, Ate, wag ka na lang umalis ng bansa. Mahirap don. Unless, working visa ang hawak mo bago ka umalis.
Sheggz: Ay oo.. mas safe un.
Classmate: Nasa Dubai kami nun at nagbalak magpunta ng Iran. Alam mo ba na may mga Pilipina doon na Sex for Fee… nang makaipon daw ng pamasahe pauwi ng Pinas. Binigyan na lang namin ng pera. Literal na kapit sa patalim. Kaya kung hindi rin lang buo ang loob mo, wag mo ng asamin pang umalis at makipagsapalaran. Hindi madaling kumita ng pera sa lugar na halos wala kang kakilala.
Classmate: May natirahan ako dun… isang napakaliit na kwarto pang bedspace. 500 Dirhams ang renta sa isang buwan. Iyon pala sa ganoong kaliit na kwarto halos pagkasyahin ang 4 na tao. At ang tanging locker mo dun ay ang iyong maleta.
Napaswerte nga ako na minsan, isang Caviteño ang tumulong sa akin. Kinupkop ako hanggang magkaroon ng trabaho. Inalok ko ng renta sa bahay pero ang sabi, ipunin ko na lang daw para sa oras ng kagipitan. Malaki na kasi ang sahod niya.
Napakahaba pa ng litanya ng kwento ng kababayan kong ito. Pero ang dalawang nabanggit ang higit kong ikinatuwa. Meron pa rin talagang mababait na Pinoy. Ilan sa ilang milyon ang ratio, pero meron pa rin talaga.
Bago ako bumaba ng bus, ibinigay pa niya sa akin ang agency na pwede ko raw applyan.
Napangiti ako. Maaaring hindi ko natandaan ang pangalan ng agency, pero ang kwento ng kagandahang-loob ng Pinoy sa Dubai, kahit pailan-ilan lang pero swak na swak, ang hindi ko makakalimutan. Sana hindi pa ito ang huling batch ng good noypis around the globe…
Kwentong NoyPi






