Home » Post Item » Pag-ibig ni Baronz!
Pag-ibig ni Baronz!
January 8, 2007Heinaku! Bago pa man ako nakaluwas ng Manila kahapon, more than 2 hours kami nagkwentuhan ni Ronz. Mega-update ng status sa lovelife. Mejo reminiscing at assessment mode ang bruha sa mga nagdaang boylets sa kanyang life.
Dito ako natawa. Ung ex niya na dating inaway ako sa text, bati na pala sila. Hanggang ngayon eh hindi ko pa rin makalimutan ang text niya sa aking…
Wag ka kasing makialam dahil hindi mo alam ang tunay na nangyayari.
Hindi niya alam na mas marami pa akong alam sa kanya.. whehehe at ang Ronz pag nagkwento.. detalyado.. pati comma at exclamation point… present sa kwento.
Tapos may nabanggit cia na ganito…
5 failed relationships… Di ba hindi maganda ung ang dami ko nang ex?
Napaisip ako sandali.
Alam mo Ronz, ito ang isang bagay na natutunan ko sa showbiz. Hehehe
Wag mong intindihin ang sasabihin ng ibang tao. You can hear comments.
It's up to you to weigh things pero don't allow them to run your life.
May buhay kang sarili…na hindi nila dapat minamaniobra.Eh kung sa 5 na failed relationships na yun hindi mo pa rin natagpuan ang Mr. Right, eh anong magagawa natin. Nakatakda kasi silang dumaan sa buhay mo.
Dumaan nga lang talaga.. whehehe
At least ngayon hindi ka na katulad ng dati. Nag-mature ka na sa paghahandle ng relationships… dati ang sarap mong batukan.
Kung saan ka nadapa, dun mo pag-aralang pulutin ang sarili mo. Wag mong hayaang ibang tao pa ang pupulot sa iyo para mabuo ka. Isipin mong lagi na pagkatapos ng bawat relasyon, alam mo sa sarili mo na makakaharap ka pa rin ng diretso sa sinuman sa kanila. Nagmahal ka pero hindi nagpakatanga.
Marahil kaya takot din akong magcommit sa isang relasyon ay dahil sa samut-saring kwento sa akin ng mga kaibigan ko. Ako mismo ang napagod sa mga kalokohan at hindi maexplain na mga alibi ng mga ito. Hindi mo talaga makikita ang tunay na ugali ng isang tao hanggat hindi mo nakakasama sa iisang bubong.
Merong mukhang anghel… pero puteks! Mukha lang!
Natawa pa akong lalo sa ex niya.. na nagsend ng ganitong message…
Happy New Year to all!
Whehehe mukhang nag-send-to-many lang… at sad to say… isa ka lang sa ordinary friends niya.






