Home » Post Item » Values Education
Values Education
January 9, 2007
Ma, bayad po… isang derecho.
Ito ang kauna-unahang sentence na narinig ko ngayong umaga sa pagsakay ko sa jeep.
Dahil sa busy ang driver sa pagkukwento sa katabing pasahero, lumabis ang naibigay na sukli.
Ma, labis po ng piso ang sukli.
<sabay abot pabalik ng piso>
Tiningnan ko ang good Samaritan na ito.
Isang estudyante .. kung di ako nagkakamali ay isang highschool student. Lalaki. Hindi ko man siya kakilala, ewan ko ba kung bakit nginitian ko siya.
Naisip ko. Hindi man lang nag-thank you ang driver sa isang magandang pabor na ginawa sa kanya ng isang bata.
At ang ngiti ko ang paraan ko sa bata para magpasalamat. <kahit hindi naman sa akin napunta ang pisong sukli>
Naisip ko tuloy ang isang obserbasyon ko noong ako'y bagong graduate pa lang at napasok sa una kong trabaho.
Mula kindergarten hanggang highschool o 1st year college, alam ko merong subject na Values Education o kahit na anong tumutukoy sa paglinang ng kabutihang-asal sa mga bata. So mula pagkabata, unti-unti tayong hinubog maging mabuting tao.
Tapos… pagdating mo sa corporate hell… maeexpose ka naman sa napakaraming karumal-dumal na pagbabalewala sa mga values na itinuro sa atin ng maraming taon. Pilit na ipipilit sa ating isipan na pikit-matang sundin at tumahimik na lang sa nakikitang mali sa paligid.
Naisip ko ulit… nagtagumpay kaya ang mga Values Teachers ko dati sa pagtataguyod ng kanilang aim?
… oo at hindi ang maaaring sagot..
Ang mga subjects nating ito ay tinuruan tayong malaman ang mabubuting asal… hinubog sa ideal at makataong personalidad at pag-uugali. Para pag dumating na ang panahong sasabak na tayo sa totoong laban ng buhay, alam nating tantiyahin kung alin sa mga itinuro nila ang natandaan mo at pinahalagahan mong gamitin sa mga oras na ito.
Wala sa subjects natin ang corruption at abuse of authority… absent lang siguro sila noong itinuro ito.
Previous Comments
Thanks, jhem for dropping by.
Posted by Sheggz at September 16, 2008, 1:56 pmkagaling….l
ipagpa2loy ang magandang cmulain…
hehehe
thankz sah mga advice,,…
Posted by cristine at November 11, 2008, 12:33 pm






ang gnda naman poh ng file na nakita ko sa google…tama ka nga…ksi sa dinamidami ng tinuro satin ng mga teachers natin magmula umpisa ay halos walang nasusunod dito…kahit nga matatanda hindi rin nila magawa ehhhh..pero nakakatuwa din kasi kahit papano may nkakaapreciate ng ginagawa ng iba kahit alam nila na hindi sila ang nakinabang dito…tnx poh huh???nakakarefresh ng utak at nakakataba ng puso ung nabasa ko ngaun… jhem poh name ko…
Posted by jhem at September 16, 2008, 12:02 pm