To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

The Past Life

January 15, 2007

Naranasan ko nang humarap sa tao at makinig sa mga paliwanag…
Hanggang sa kahuli-hulihang sandali… hinayaan ko ang sarili kong maging kaibigan kahit sa sandaling panahon na lang… at pinilit ko ang sarili kong gawing open-minded at yakapin ang isang nakaraan at pagkataong meron ka.  Hinintay kong sa muli kong pagtungtong sa bahay mo… for once magiging totoo ka sa mga sagot mo…

Nakinig ako… ngunit may mga paliwanag na kahit anong galing mo ideliver ang sagot… hindi ko makuhang pagkatiwalaan, paniwalaan at bigyan ng respeto… dahil ang kasinungalingan ay hindi maikukubli ng mga mata.. at ang pag-aalinlangan ay hindi idinidikta ng isip lamang.

Ang mga kaibigang nawala… ay ang mga taong kusang-loob na nagpahalaga at inunawa ang pagkataong meron ka.  Mga taong hindi mo hiningi ang pagkalinga pero kusang-loob na ibinahagi at ipinadama… hindi para suklian lang kung ano mang kabutihan ang pinakita mo… pero iyon ang normal na pagkilos ng mga taong hindi pinagkaitan ng mundo at ng pamilya ng tamang aruga at pagkalinga.

Sa likod ng sa tingin mo ay pagiging iresponsable at pagwawaldas ng salapi sa sugal, ang pagiging busy ng mga dati mong kaibigan at kakilala, ang pagiging iresponsable at tamad ng isang natitirang kaibigan, ang pananahimik ng mga kapamilya, ang unti-unting pagkawala ng kinang at respeto ng tao… ay may natatagong mas seryosong dahilan… alam mo ang lahat ng mga iyon at natatakot ka lang tanggapin sa sarili mong.. dahil sa yo.. minarapat nilang lumayo… at manahimik…. upang hindi ka nila makita sa sitwasyong ikaw mismo ang nagbulid sa sarili mo.

Kaibigan lang sila… at sarili mo lang ang minahal mo…

Pulutin ka nawa ng minahal mong sarili… walang gagawa ng masama sa iyo gaya ng iniisip mo… sarili mo ang kalaban mo magmula pa sa nakaraan mong buhay… at sarili mo pa rin ang kalaban mo sa bagong kasaysayan…

Hanggang sa huli… tatalikod ka pa rin sa realidad ng buhay.

Hindi ka matalino…
Hindi ka astig…
Hindi kahanga-hanga…

Tanging ang tao ang nagbigay sa iyo ng taguri na ganyan ka… at pinaniwala mo naman…
Eto ka sana… pero hindi ikaw yon.. Sana ay ganon ka… pero hindi talaga…

Kung nagpakatotoo ka lang sana.. Sayang!

"Ako daw ito…" 

- sabi nila -

Tsk tsk tsk… 


Posted by sheggz at 10:05 pm | permalink

Previous Comments

Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo at tama. May mga bagay na kahit anong pilit ng isang tao na itago, sa hindi malamang dahilan, ay sadyang sinisiwalat ng tadhana sa tamang panahon.

Hindi maaaring linlangin ang pusong malinis ang hangarin. Hayaan na natin ang kapalaran ang magtakda ng kanyang patutunguhan habang ang bawat isa sa atin ay maligayang namumuhay kasama ng mga taong nagmamahal sa atin. Kasama nito ang pagiging totoo natin sa ating sarili.

Tanggapin na lang natin na iba-iba ang kaisipan ng tao, at kahit maganda ang hangarin natin, hindi mababago sinuman ninoman. Tanging siya lamang ang makapagpapasya pa sa kanyang sarili.

Bawat isa sa atin ay binigyan ng isang papel at lapis. Binigyan tayo ng kalayaan na iguhit ang sarili nating tadhana.

Posted by Debbie at January 15, 2007, 11:58 pm

Add a comment








     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines