Home » Post Item » Kwentong Tange
Kwentong Tange
January 17, 2007Kagabi di ba lungangi ako sa pagod at sama ng pakiramdam dahil nga sa dysmenorrhea. Ayun! Ginawa kong alibi ang mga ito sa isa na namang katangahan na ginawa ko sa Rustan Coffee.
8:00pm 5th floor. Ako na lang ang taong naghihintay ng elevator. Nginig na nginig pa ako sa ginaw sa tindi ng lamig ng aircon. Namumutla na ako nun <feeling ko>
Kailangan ko pang bumaba ng 3rd floor para imeet ang IT Head para sa isa na namang presentation. Nakatayo ako sa harap ng pinto ng elevator… hinihintay kong umabot sa 5th floor. Kanda pindot ako sa no. 3… pucha.. hindi ko mapindot… sabi ko pa..
Ay.. bakit nakadisable to! Grabe naman… Ang hirap bumaba ng 3rd floor sa ganito kong sitwasyon.
Ilang pindot pa ang ginawa ko na halos mabasag ang salamin ng #3. Nang makita kong..
Ay tanga! Kelangan palang pinduting ang down arrow at hindi # 3.
Dios ko .. napalingon ako sa magkabilang side para makita kung may tao at kung may camerang nakatutok sa katangahan ko.
Buti naman at clear ang coast.. whehehe
Pagkapasok na pagkapasok ko sa elevator.. ayun nagkita kami ng #3..
Hahahaha… antagal ko nang gumagamit ng elevator.. ngayon lang ako natanga.. at nawala pa si # 3.
Tapos nasa ganong anyo ako ng pakikipagusap kay #3 button ng biglang bumukas.. may pasakay pa pala.. Naabutan niya akong nakabungisngis.
Sabi nung girl…
"Masaya ka ah."
Sabi ko naman…
"Oo… sa pagod ko.. nakalimutan ko ang tamang paggamit ng elevator."
Tapos tawanan kaming dalawa!
Taga-saang company ka?
"Hehehe wag na… baka maipahamak ko pa ang company ko. Malimit mo akong makikita dito…"
Hehehe ang kulit!
Sinong mag-aakalang .. sa likod ng pormal kong hitsura that time… eh may milagro akong ginawa sa loob ng Elevator… ehehehehe






