Home » Archives » 23. January 2007
Music and Lyrics
January 23, 2007While busy creating songs in mind, I saw the billboard of Music and Lyrics in Morayta… starring two of my favorites… Hugh Grant and Drew Barrymore. I don't know if this is yet to be shown or not… but I am so interested to see this movie. Hught Grant has no idea that he is my crush and my fondness of Drew Barrymore started when she was still a kid in Firestarter..
Plot Outline: A washed up singer (Grant) is given a couple days to compose a chart-topping hit for an admiring teen sensation. Though he's never written lyrics in his life, he sparks with an offbeat younger woman (Barrymore) with a flair for words.
Two Romantic Comedy Favorites Team Up for "Music and Lyrics"
Jan 30, 2006 - Two audience favorites unite for the romantic comedy, "Music and Lyrics." Hugh Grant ("Love Actually") and Drew Barrymore ("Fever Pitch") are set to take starring roles in the rom com from writer/director Marc Lawrence.
Lawrence's story follows the romantic antics of a lyrics writer and music writer (hence the film's title).
Drew Barrymore's Flower Hills production company partner Nancy Juvonen will executive produce the film along with Village Roadshow's Bruce Berman.
Filming is expected to begin in late March with Warner Bros hoping to release the film during the 2006 holiday season.
Drew Barrymore recently wrapped work on "Lucky You," a gambling drama directed by Curtis Hanson and co-starring Eric Bana.
Agot Agot Na!
Agot's radio promotion guestings:
January 23, 2007
11am - Magic 89.9 (live)
1 pm - Star FM 102.7 (Recorded)
4 pm - Crossover 105.1 (live)
Sis Taping on January 25!
Timang Classic
Naku may kwento ako..
9:30pm: Sumakay ako ng jeep pa-Morayta galing Banawe. Pagkapa ko sa bag ko… wala si wallet. Naiwan sa drawer sa office.
Ang tanging laman ng bulsa ng bag ko… 1 P10 na coin at saktong P5 at 8 bentesingko. In short, P17.00 (seventeen na naman hehehe)
Bigla kong naisip… kung ung regular kong ruta ang gagawin ko.. tatlong sakay… kulang ang pera ko… hindi pa ako makakakain. Ang lalim ng iniisip ko nun.. sakto pagbaba ko ng jeep… nakita ko ang hagdan ng overpass patawid sa kabila. Nag-feeling ako na mentos girl… kunwari pang pinitik ko si mentos at nagshoot sa aking mouth.. hehehe
Imbes na malungkot ako at maasar dahil wala akong pera… nagswitch bigla ang Timang mode.
Sa pagtungtong ko sa unang step ng overpass.. nabuo ang intro ng kanta ko. Sabay hampas sa hita ko para may accompaniment naman…
Doon pa ako dumaan sa Morayta-Recto-Mendiola. Malayo-layong lakarin pero alam ko mahaba-habang oras na makakapagisip at makakagawa ng tono at lyrics. Dalangin ko nun na wag sanang makasalubong ng holdupper, dahil ang tangi kong maibibigay eh ung sampung piso na coin na kanina ko pa hawak… nakakahiya naman.
Sinong mag-aakalang wala akong pera that time… office attire at kuntodo makeup… naka-blazer pa mandin… pero sampung piso lang ang yaman. May nadaanan pa akong pulubi sa overpass… napasilip ako sa basong plastic… napangiti ako nang makitang andaming coins…. sabi ko sa kanya… "Manang, mas mayaman ka pa sa akin ngayon… hehehe"
Napangiti ako nang makita ang intersection sa Mendiola.. ilang kanto na lang.. dorm na namin… nakailang ulit na rin ako ng chorus… at hawak ko pa rin si coin… bigla kong naisip, kaya nga pala pinilit kong isave ang coin eh para may pagkain pa ako.
Pagliko ko sa KFC, nakita ko pa ang McDo at nalagpasan ko pa si Jollibee… napa-wink lang ako sabay sabing…. may P10 ba kayo jan? Hehehe
Ang yabang pa ng utak ko at nagkaroon pa ng choices sa kakainin para sa P10.
… pwedeng isang order na kikiam sa kanto, 2 skyflakes, 1 lemon square at kendi, fishball… o…. mais!
Naku.. Mais ang pwede.. mabigat-bigat sa tyan.. pangit nga lang pag nagpooh-pooh.. hehehe (shh.. pansinin ninyo kung bakit>
Puteks! Muntik na akong mapapunta sa Simbahan ng St. Jude nang malamang P15 na pala ang Japanese corn sa mendiola. Halos madurog ang small intestines ko sa gutom… nang biglang pagpihit ko.. nakita ko si Manong!
Knight in Shining Armour! Si Manong ang nagtitinda ng hinimay na mais na may flavor na orange at may butter…
Muntik ko nang mayakap si Manong sa saya….
Sabi ni Manong: Maliit o Malaki? Sampu ung Maliit… Dose ung Malaki..
Napangiti ako… binigyan ako ng choices pero wala naman akong choice.
Sabi ko… "P10.00 na lang manong, un na lang pera ko."
Napatingin sa akin si Manong.. suki niya kasi ako….
Agad niyang kinuha ung malaking lalagyan… nilagyan ng mais… sabi ko pa.. "Manong, sampu lang…. wala akong pera."
Tinuloy-tuloy pa rin niya. Hindi niya ako pinansin.. Napakapa pa tuloy ako sa bag ko ng additional P2 coins… pero talagang wala.
"Bigay ko na yan sa yo. Hindi naman kasya sa yo ang maliit sa takaw mo eh."
Salamat Manong! Para akong si Pooh na "tididum-didum" habang naglalakad. Sarap na sarap ako sa pagkain sa daan…. 5th st. na pala…. pagbukas ko ng pinto… masaya ko pang ginreet ang mga tao sa bahay… Walang nakakaalam na wala akong pera… hahahaha
Pagpasok ko ng kwarto… may nakita akong papel… tatlo ung tao s papel…
Nanlabo ang mata ko.. pero "isanglibo yun" …. may kasama ding papel ung pera.
Nakalagay sa papel…
"Sheggz, eto na ung P1000 na hiniram sa yo dati ni Ate… Nagpadala na kasi ng pera from Bahrain. Salamat daw po."
Para akong tinapunan ng malamig na tubig.. Nanghina akong bigla… may mega-nangilid ngilid na luha pa nga sa aking right eye… P1000 ang hiniram sa akin ni Ate Be the day na papunta cia ng Bahrain na wala na ciang pera. Isinasanla niya sa akin ang cellphone pero hindi ko tinanggap. Ang sabi ko na lang…. kung kelan ka maging maluwag… uwian mo na lang ako ng chocolate. God Bless!
Sa mundong ito… meron pang bagay na higit pang mas mahalaga kesa sa sampung piso…
sana nakita ninyo sa kwento ko kung ano ang mga yon…
Humahanap ako ng paraan paano ko maipaparinig ang kantang natapos kong gawin….
entitled "Sampung Piso"…
Tandaan….
Sa likod ng mga ngiti… may mga luha..
Sa likod ng mga biro… nagtatago ang problema..Hindi ka man laging tunay na masaya,
tandaan mo..
Sa likod ng bawat tao..
may PWET!
Eto po Mommy ni Pooh nagpapatrol!
Blow-out!
Masaya as usual ang food trip session hosted by Sheggz last Sunday..
Nagkwento si Tita na..
… sa March graduate na si Sharman… (ang panganay niyang anak)
Sabi ko… ahh magkakasabay sabay pa sila..
… si Hazer (ung bunso niya) .. nakagraduate na din last November…
… at ang kapatid ko.. hopefully, makagraduate na rin ngayong April sa Law.
… kung hindi ako tinopak sa thesis, kasabay pala akong gagraduate sa Masters ko.
Sabi ko… ay ang galing naman…. graduate na ang apat na magpipinsan!
<Apat lang kasi kami sa mother side>
Ewan ko ba kung bakit bigla kong nasabi na…
"Dapat magblow-out ang mga mommy dahil nakagraduate na ang mga anak! Si Mader kasi, birthday sa Feb 10… si Tita sa March 29 at si Lolo sa March 6."
Nagtawanan silang lahat.
Pero iba ang pumasok bigla sa utak ko… pero silent lang ako… ambilis nabuo ang plano.
Sabi ko..
"Sheggz.. mali yata ang hirit mo. Di ba dapat yung mga anak ang magblowout sa mga mommies dahil napagtapos na nila kayo… isn't it time for you to thank them?"
Natahimik akong bigla.. nabuo sa isip ko ang thanksgiving party… na dapat gagawin kapag nakapasa sa Bar ang brother ko…
Ang ultimate dream namin ni bro eh maitour si Mader at si Tita sa ibang bansa…. at pinaka-okay na siguro para sa mga laking Divisoria at Berma sa Baclaran ang pumunta ng Hongkong or Bangkok for shopping spree..
Kamusta naman yun… eh di malamang ako na naman ang host… wala pa kayang sweldo ang mga bwakanang pinsan at kapatid ko.
Sa mga blog readers ko… have you thanked your parents na ba for all that they have done to you? Kung hindi pa… makisabay na kayo… hindi naman kailangang bongga or magastos…
Grabe… nang dahil sa kinain kong fishball.. nagpakaprofound na naman ako.. whehehe
Just a thot… u might want to consider.
Thank you!
Kurips reaps!
Presenting the That’s Entertainment in our Family!
That’s Kurips, So Kurips at Dehins Kurips!
Si Mader at Bro .. candidates sa That’s Kurips… mga taong nagkukuripot pero pag may datung eh naglalabas din naman ng pera
Si Tita at Lola naman ang hall of famer na sa So Kurips! Need I say more? hehehe
Tatlo kaming Dehins Kurips! Si Lolo, si Tito at ako!
Ang inaasahan ng mga Kurips na bibili ng pagkain!
Nagvo-volt in ang That’s Kurips at So Kurips sa tuwing magsasabi akong ……
“Kakagutom… ano’ng merienda?”
Sila.. titiisin ang gutom wag lang gumastos. Dios ko.
“Maraming pagkain dyan, wag ka nang bumili.”
“Di kami nagugutom… wag ka nang bumili”
Pagbili ko ng pagkain, automatic yan na…
“Ama, tara kain tayo!" Kami lang naman kasi ang gutom, diba?"
P20 na fishball, 3 Quezo Real, 1 Double Dutch, 2 Very Rocky Road at 3 Pinipig Crunch, tinapay, egg pie, kutsinta”
Binili ko ang pagkain na alam kong kakasya pa rin sa aming lahat… at paborito din nila… in short, tatakamin ko sila sa gutom ko hehehe.
Ang brother ko naman sasalisi at lalapit na rin sa mesa.
Ilang sandali pa at ang That’s Kurips, patay-malisya at kasalo na namin sa pagkain.
Sila ang mga hindi gutom na halos inubos ang binili kong pagkain. At napapatawa na lang kami ni Lolo.
Naalala ko tuloy ang Tito ko nang minsang nagsabi cia sa brother ko…
“Pag kumikita ka na at halos apaw ang blessings mo… matuto kang magshare… Kaya ibinigay yan sa yo eh hindi para solohin mo… magtira ka ng para sa sarili mo para pag kinailangan meron kang mabubunot… pero wag kang magkakait na ibigay kapag may sobra… o kung ano mang meron ka.”
Paano kasi.. kumain kami sa isang restau sa tagaytay… nag-iwan ng tip si Tito sa table para sa waiter na nagserve… kinuha ni brother ang pera at nagtira lang ng konti.
Malimit kaming mag-away nyang kapatid ko lalo na sa taxi… Iyon bang ako ang nagbayad tapos hindi bibigyan ng tip…
Lagi kong sinasabi… “Ikaw ang magdrive maghapon ng malaman mo ang hirap… Ang konting tip… pathank you ko na yon sa paghahatid sa atin ng safe at hindi panloloko sa metro… hindi ko naman mababayaran ang utang ng loob kaya sa ganoong paraan man lang, may maitulong ako ng konti… dahil pag minalas-malas ka pa… pedeng ang driver eh holdupper… kung wala ka mang maibigay na tip… ngitian mo lang at wag mong ibalibag ang pintuan ng taxi… okay na… ano pa yung magsabi ka ng… Salamat, Manong!”
Pero, in fairview, ang That's Kurips at So Kurips… ang marurunong daw sa buhay… ang Dehins Kurips ang ineenjoy lang ang buhay…
Cool!






