To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Kurips reaps!

January 23, 2007

Presenting the That’s Entertainment in our Family!

That’s Kurips, So Kurips at Dehins Kurips!

Si Mader at Bro .. candidates sa That’s Kurips… mga taong nagkukuripot pero pag may datung eh naglalabas din naman ng pera

Si Tita at Lola naman ang hall of famer na sa So Kurips!  Need I say more? hehehe

Tatlo kaming Dehins Kurips! Si Lolo, si Tito at ako!

Ang inaasahan ng mga Kurips na bibili ng pagkain!

Nagvo-volt in ang That’s Kurips at So Kurips sa tuwing magsasabi akong ……

 

“Kakagutom… ano’ng merienda?”

Sila.. titiisin ang gutom wag lang gumastos. Dios ko.

“Maraming pagkain dyan, wag ka nang bumili.”

“Di kami nagugutom… wag ka nang bumili”

 

Pagbili ko ng pagkain, automatic yan na…

“Ama, tara kain tayo!"   Kami lang naman kasi ang gutom, diba?"

P20 na fishball, 3 Quezo Real, 1 Double Dutch, 2 Very Rocky Road at 3 Pinipig Crunch, tinapay, egg pie, kutsinta”

Binili ko ang pagkain na alam kong kakasya pa rin sa aming lahat… at paborito din nila… in short, tatakamin ko sila sa gutom ko hehehe.

Ang brother ko naman sasalisi at lalapit na rin sa mesa.

Ilang sandali pa at ang That’s Kurips, patay-malisya at kasalo na namin sa pagkain.

Sila ang mga hindi gutom na halos inubos ang binili kong pagkain.  At napapatawa na lang kami ni Lolo.

Naalala ko tuloy ang Tito ko nang minsang nagsabi cia sa brother ko…

“Pag kumikita ka na at halos apaw ang blessings mo… matuto kang magshare… Kaya ibinigay yan sa yo eh hindi para solohin mo… magtira ka ng para sa sarili mo para pag kinailangan meron kang mabubunot… pero wag kang magkakait na ibigay kapag may sobra… o kung ano mang meron ka.”

Paano kasi.. kumain kami sa isang restau sa tagaytay… nag-iwan ng tip si Tito sa table para sa waiter na nagserve… kinuha ni brother ang pera at nagtira lang ng konti.

Malimit kaming mag-away nyang kapatid ko lalo na sa taxi… Iyon bang ako ang nagbayad tapos hindi bibigyan ng tip…

Lagi kong sinasabi… “Ikaw ang magdrive maghapon ng malaman mo ang hirap…  Ang konting tip… pathank you ko na yon sa paghahatid sa atin ng safe at hindi panloloko sa metro… hindi ko naman mababayaran ang utang ng loob kaya sa ganoong paraan man lang, may maitulong ako ng konti… dahil pag minalas-malas ka pa… pedeng ang driver eh holdupper… kung wala ka mang maibigay na tip… ngitian mo lang at wag mong ibalibag ang pintuan ng taxi… okay na… ano pa yung magsabi ka ng… Salamat, Manong!”

Pero, in fairview, ang That's Kurips at So Kurips… ang marurunong daw sa buhay… ang Dehins Kurips ang ineenjoy lang ang buhay…

Cool! 

 


Posted by sheggz at 9:41 am | permalink

Add a comment








     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines