Home » Post Item » Timang Classic
Timang Classic
January 23, 2007Naku may kwento ako..
9:30pm: Sumakay ako ng jeep pa-Morayta galing Banawe. Pagkapa ko sa bag ko… wala si wallet. Naiwan sa drawer sa office.
Ang tanging laman ng bulsa ng bag ko… 1 P10 na coin at saktong P5 at 8 bentesingko. In short, P17.00 (seventeen na naman hehehe)
Bigla kong naisip… kung ung regular kong ruta ang gagawin ko.. tatlong sakay… kulang ang pera ko… hindi pa ako makakakain. Ang lalim ng iniisip ko nun.. sakto pagbaba ko ng jeep… nakita ko ang hagdan ng overpass patawid sa kabila. Nag-feeling ako na mentos girl… kunwari pang pinitik ko si mentos at nagshoot sa aking mouth.. hehehe
Imbes na malungkot ako at maasar dahil wala akong pera… nagswitch bigla ang Timang mode.
Sa pagtungtong ko sa unang step ng overpass.. nabuo ang intro ng kanta ko. Sabay hampas sa hita ko para may accompaniment naman…
Doon pa ako dumaan sa Morayta-Recto-Mendiola. Malayo-layong lakarin pero alam ko mahaba-habang oras na makakapagisip at makakagawa ng tono at lyrics. Dalangin ko nun na wag sanang makasalubong ng holdupper, dahil ang tangi kong maibibigay eh ung sampung piso na coin na kanina ko pa hawak… nakakahiya naman.
Sinong mag-aakalang wala akong pera that time… office attire at kuntodo makeup… naka-blazer pa mandin… pero sampung piso lang ang yaman. May nadaanan pa akong pulubi sa overpass… napasilip ako sa basong plastic… napangiti ako nang makitang andaming coins…. sabi ko sa kanya… "Manang, mas mayaman ka pa sa akin ngayon… hehehe"
Napangiti ako nang makita ang intersection sa Mendiola.. ilang kanto na lang.. dorm na namin… nakailang ulit na rin ako ng chorus… at hawak ko pa rin si coin… bigla kong naisip, kaya nga pala pinilit kong isave ang coin eh para may pagkain pa ako.
Pagliko ko sa KFC, nakita ko pa ang McDo at nalagpasan ko pa si Jollibee… napa-wink lang ako sabay sabing…. may P10 ba kayo jan? Hehehe
Ang yabang pa ng utak ko at nagkaroon pa ng choices sa kakainin para sa P10.
… pwedeng isang order na kikiam sa kanto, 2 skyflakes, 1 lemon square at kendi, fishball… o…. mais!
Naku.. Mais ang pwede.. mabigat-bigat sa tyan.. pangit nga lang pag nagpooh-pooh.. hehehe (shh.. pansinin ninyo kung bakit>
Puteks! Muntik na akong mapapunta sa Simbahan ng St. Jude nang malamang P15 na pala ang Japanese corn sa mendiola. Halos madurog ang small intestines ko sa gutom… nang biglang pagpihit ko.. nakita ko si Manong!
Knight in Shining Armour! Si Manong ang nagtitinda ng hinimay na mais na may flavor na orange at may butter…
Muntik ko nang mayakap si Manong sa saya….
Sabi ni Manong: Maliit o Malaki? Sampu ung Maliit… Dose ung Malaki..
Napangiti ako… binigyan ako ng choices pero wala naman akong choice.
Sabi ko… "P10.00 na lang manong, un na lang pera ko."
Napatingin sa akin si Manong.. suki niya kasi ako….
Agad niyang kinuha ung malaking lalagyan… nilagyan ng mais… sabi ko pa.. "Manong, sampu lang…. wala akong pera."
Tinuloy-tuloy pa rin niya. Hindi niya ako pinansin.. Napakapa pa tuloy ako sa bag ko ng additional P2 coins… pero talagang wala.
"Bigay ko na yan sa yo. Hindi naman kasya sa yo ang maliit sa takaw mo eh."
Salamat Manong! Para akong si Pooh na "tididum-didum" habang naglalakad. Sarap na sarap ako sa pagkain sa daan…. 5th st. na pala…. pagbukas ko ng pinto… masaya ko pang ginreet ang mga tao sa bahay… Walang nakakaalam na wala akong pera… hahahaha
Pagpasok ko ng kwarto… may nakita akong papel… tatlo ung tao s papel…
Nanlabo ang mata ko.. pero "isanglibo yun" …. may kasama ding papel ung pera.
Nakalagay sa papel…
"Sheggz, eto na ung P1000 na hiniram sa yo dati ni Ate… Nagpadala na kasi ng pera from Bahrain. Salamat daw po."
Para akong tinapunan ng malamig na tubig.. Nanghina akong bigla… may mega-nangilid ngilid na luha pa nga sa aking right eye… P1000 ang hiniram sa akin ni Ate Be the day na papunta cia ng Bahrain na wala na ciang pera. Isinasanla niya sa akin ang cellphone pero hindi ko tinanggap. Ang sabi ko na lang…. kung kelan ka maging maluwag… uwian mo na lang ako ng chocolate. God Bless!
Sa mundong ito… meron pang bagay na higit pang mas mahalaga kesa sa sampung piso…
sana nakita ninyo sa kwento ko kung ano ang mga yon…
Humahanap ako ng paraan paano ko maipaparinig ang kantang natapos kong gawin….
entitled "Sampung Piso"…
Tandaan….
Sa likod ng mga ngiti… may mga luha..
Sa likod ng mga biro… nagtatago ang problema..Hindi ka man laging tunay na masaya,
tandaan mo..
Sa likod ng bawat tao..
may PWET!
Eto po Mommy ni Pooh nagpapatrol!






