Home » Archives » 24. January 2007
Bicho Bicho!
January 24, 2007Pamilyar na pamilyar kami sa sigaw na "Bicho! Bicho! Bicho kayo jan!" tuwing umuuwi ako ng Cavite ng Sunday. Pagkarinig ko palang nun… gagayahin ko naman… "Beeeeeeeeeecccccccchooooooooo!"
Nagtataka din ako kung bakit every Sunday, may nakikita akong balot ng bicho sa aming lamesa. At naabutan ko pang napapatakbo ang lola ko makabili lang neto. Minsan, naabutan ko cia na bumibili… lumabas ako para tingnan.. at tikman… Parang sa dunkin donut na honey-glazed flavor… By the way, ang bicho <bitso> na tinutukoy ko ay yung tinapay na mahaba na ginulong sa asukal.. mejo malangis-langis pa ng konti na mas masarap kainin pag mainit-init pa.
Bumibili ako noon ng fishball sa kapitbahay ng marinig ko ang usapang..
Ang dami na nilang nagbebenta ng bicho ano?
Yung classmate ko nagbebenta na rin. P40 ang kita nila dun.
Nag-isip ako… P10 ang isang supot ng bicho… 5 ang laman. Kapalit pala ng ginagaya kong pagsigaw ng mga bata …. eh P40 na pinagtitiyagaan nilang pagkakitaan para pandagdag sa baon. Halos kalahating araw silang sumisigaw hanggat hindi nauubos ang paninda. Hindi ko narinig ang pangalan ng may-ari ng bakery… pero may hint ako kung sino… ung same na bakery na nagtitinda pa rin ng paborito kong palapad… hehehe
Natuwa ako sa mga bata at dun sa may-ari ng bakery… tulong na yun sa mga bata para matutong magtiyaga at kumita. P160 nga din naman yun sa isang buwan.
Pag-uwi ko ng bahay, naikwento ko sa lola ko yun. Alam pala niya… kaya pala kahit hindi masyadong kasarapan yung tinapay, bumibili cia.. at minsan nakikita ko na hindi na kinukuha ang sukli.. at naririnig ko pa..
Hati kayo jan sa sukli.
<sabay tango ng mga bata… at masayang tatalilis ng takbo>
Isinasawsaw pa nga sa kape yun para madagdagan ng konti ang sarap… hehehe
Order na kayo ng Bicho sa Amadeo… bantayan nio lang yung mga bata…






