Home » Post Item » Concert mode
Concert mode
January 25, 2007Naisipan kong lakarin na lang mula Makati Ave cor. Buendia to Ayala Avenue. Alas 10:00 ng gabi na nun.
Gusto ko lang talaga marelax ang utak ko. Hindi biro ang pinanggalingan kong laban.
At ang tanging regalo ko sa sarili ko para marelax? Kakanta talaga ako habang naglalakad.
Wa ko care sa maiirita sa boses ko. Mundo ko rin naman to bakit ba?
Intro …
<in a mellow voice>
Sana maulit muli, ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito, naglaho na ba ang pag-ibig mo
Sana maulit muli, sana'y bigyan ng pansin ang himig ko
Kahapon bukas ngayon, tanging wala ng ibang mahal
Lumiko ako ang Paseo de Roxas para matapos ko yung kanta. Andun na ako sa magandang part na…
Ito ang tanging nais ko, ang ating kahapon
Sana maulit muli….
Nang may tumawag sa akin…
“Uy Sheggz… boyfriend mo?”
Napakunot ang noo ko. Kababayan ko yun. Nagulat ako sa tanong. Paglingon ko, meron palang lalaki sa likuran ko… Kung pwede lang sanang lumubog ako sa open manhole ginawa ko na … sa hiya.
Sabi ko.. “Hindi po.. Audience ko hehehe”
Napangiti si lalaking chinito. Sshh kahawig niya ung vocalist ng Hale.
Pinutol ko na rin ang conversation namin ng kakilala ko… Akala ko tapos na…. Pag-upo ko sa bus, may nagsalita…
Chinito: Sayang, hindi mo natapos ang kanta. Makikipagduet pa sana ako sa yo.”
Sheggz: Honga eh. Concert mode pa naman ako… hehehehe
Chinito : Natuwa lang ako sa iyo kanina. Kala ko may sayad ka. Kaya kita sinundan, sinisigurado ko kung may sayad ka kasi wala sa hitsura e.
Sheggz: Hehehe timang…
Siyempre kailangan ko nang putulin ang kwento… dahil tinulugan ko yung katabi ko. Itinuloy ko nalang sa utak ko ang naunsyaming concert






