To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

B1 at B2

January 29, 2007

   

Si Obong at Si Ovel 

Nauna pa kami kay B1 at B2.  Magkakampi at magkaaway… not by chance, not by choice… but we have no choice at all.. whehehe

Bata pa lang kami, alam na ng tao kung gaano kami ka-close magkapatid. 
Kung ano lang kinakain ko… un din lang ang alam niya.  No gulay, no okra, at no sibuyas…

Ilang beses din kaming pinasayaw sa mga reunion kahit pareho kaming kaliwa ang paa.
Ako pa nga ang nagturo ng unang kanta na higit nagpasikat sa kanya sa aming pamilya.

Pareho kaming gustong-gustong kumanta pero likas na sablay ang mga boses. 

Siya ang weakling noong una at ako na ang likas na astig.  Kala ko noong una, bading!  Kala naman niya, isa akong tomboy!  Paano ba naman, pag nalolock ang pinto ng bahay, ako ang inaasahang umakyat ng bintana at bubungan.  Si Ovel ang moral support.

Ilang beses na kaming nagwre-wrestling na umaabot sa duguang noo niya at kalmot sa katawan. At sa pagtatapos ng laban, siyempre, ako ang Superman… at ang may hagupit ng sinturon sa pwet.  In short, ako ang maldita at siya ang tatahi-tahimik lang.  Nakalakihan ko nang siya ang anghel at ako ang may sungay.

Siya ang laking sakristan sa simbahan.  Ako naman eh ganoon din… lumaki akong nakakatulugan ang misa sa simbahan.   

Siya ang bata pa lang ay maporma, malinis, organized at disente.  So lahat ng opposite, ako yun.

Nang magsama kami noong highschool, doon na nakita ang malaki naming pagkakaiba.  Math ang forte niya at ako ay Recess… ;-)   Pero likas na maka-Ate yan.

Ate pahinging pera… Ate paano ba gawin itong assignment?

Ate may masarap sa canteen, bagong chocolate… parang masarap!  Bili ka, titikman ko!

Ate agahan mo naman ang gising, nakakahiya sa service… doon ka pa nagmemedyas.. hehehehe

Ate gumising ka na naman… 

Ate ko yan! 

Hindi ko makakalimutang minsan ay binuhusan niyan ako ng tubig sa kama dahil sa hindi ako magising… ilang araw kong hindi nahigaan ang kama na yun. 

At ilang beses na rin niyang nakita ang ginuguyam (nilalanggam) kong unan sa pagtatago ng balat ng chocolate at candy.

Ate, kadamutan neto… itinatago mo sa akin ang candy mo.. hindi naman ako hihingi.  Lagot ka kay Ina… ang daming guyam… <hehehehehe> 

Kelan ko lang nalaman na proud na proud pala cia sken everytime na may CAT Formation.  Officer ako nun… tagapagdala lang naman ng Flag at Sword… whehehe Feeling sikat daw cia nun sa mga classmates niya.

Nang sumikat ng konti ang mga kantang ginawa ko sa school.. tuwang-tuwa din yan.. 

Ako naman eh sobrang proud ng cia ang maging Corps Commander.  Huh!  Kapatid ko yan! 

At kamusta naman.. ako naman ang kinabahan at sobrang proud ng mapanood ko siya sa Musical ng Miss Saigon sa UP Manila.  Kumakanta pala ang kapatid ko ng live… ang ugat akala ko puputok.  Talagang sinadya niyang doon dumaan sa tabi ko habang hinahanap si Kim… talagang sinadyang banggain ang upuan ko para ipakitang… "ate… kumakanta ako… hahahaha"

May mga parte man sa pamilya naming hindi maayos… isa sa pinagpapasalamat ko na nagkaroon ako ng kapatid na katulad niya… 

Magkapatid na artistahin… nyahahahahahahahaha!


Posted by sheggz at 9:39 am | permalink

Add a comment








     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines