Home » Post Item » Sibling Moments
Sibling Moments
January 29, 2007Hindi man ako nakauwi ng Cavite noong Sunday pero hindi ko makakalimutan ang Sunday na iyon.
Obong: Hindi ka ba mag-aaral?
Ovel: Hindi Ate, beauty rest ako. Magpapa-grad pic ako bukas.
Obong: Nakanampuchi. Ay magpaderma ka, magpspa, magpatrim Hahaha
Ovel: Bonding tayo. Maglinis ka ng room, maglaba ka at ako'y magiinternet sa labas.
Obong: Ang ganda naman ng bonding natin.
<Lumipas ang ilang oras at nadatnan niya akong tulog.>
Ovel: Hindi ka na nakapaglaba. Hindi ko tinext ang laundry. Mag-aral kang maglaba. Nagwalis na ako ng dorm
Obong: Sama kasi ng ulo ko. May migraine ako.
Ovel: Kaya pala nakatulog ka sa kama ko kagabi. Kumain ka na naman ba ng chocolate?
Obong: Hindi. Namigraine ako sa kulay ng kwarto natin.
Ovel: Hahahahahahaha Ay naku.. matagal ko na ngang gustong sabihin sa yo. Nahihiya lang ako dahil ang laki nang nagastos mo. Pero ang pangit noh?
<tawanan kaming dalawa>
Obong: Pagkita ko, akala ko Kindergarten ni Winnie the Pooh. Bakit ang tingkad ng pagkadilaw?
Ovel: Eh hindi naman tayo marunong bumili ng pintura. Hindi ko nga maatim tingnan at natatawa ako
Obong: Kulang na lang eh tables and chairs at picture ng mga cartoons…. mukhang pangprep.
<Hahahahahahahahaha>
Pagkalipas ng ilang oras…
Obong: Eto burger mo… sinamahan ko ng sansrival.. di ba paborito mo yan?
Ovel: Wow naman. Lasang hangin yang sansrival na yan jan.
Obong: Eto pang mais. Kumakain ka ba niyan? At least hindi lasang buhangin na iniuwi mo dati.
Ovel: Oo naman. Gusto kong kumanta, Ate.
Obong: Antagal mo namang gumradweyt eh. Hindi kita maisama sa mga bonding bonding moments. Hindi naman maganda boses mo ah.
Ovel: Oo nga… pero kumakanta ako.
Obong: Ako rin eh.. Sablay.
Ovel: Isa lang kinakanta ko pag nagvivideoke.. "Morning has Broken…"
Obong: Bakit naman yun?
Ovel: Un lang kasi ang abot ng boses ko… Hahahahaha
Obong: Hahahahahaha
Ovel: Eh si Kuya N- - - , narinig mo na ba kumanta yun? Kinanta yung High.. hagalpak ako sa kakatawa.
Obong: Bakit?
Ovel: Ganito… "Time won’t flow, everyone knows…. when the fain [pain] pades [fades] away.. "
<Hahahahahahaha>
Obong: May f defect.
Ovel: Naalala nga kita.. kung andun ka siguro… kasabay kitang tatawa…
<Nasa CR cia.. naliligo… tapos kwentuhan kami.. >
Ovel: Ate, tapos ka na ba maglaba..
Obong: Hindi. Dugo na kamay ko. Paknit ang balat.
Ovel: Dapat nag-aaral ka na maglaba, magluto…
Obong: At dapat marunong ka na rin bumili ng pintura ng bahay.
<Hahahahahahahaha>
Sayang at hindi ko napicturean ang room namin… talagang… mauutas kayo sa kakatawa.






