Home » Archives » 22. February 2007
Krispy Kreme Doughnut
February 22, 2007Ate, dumaan d2 c classmate dinalhan ako ng Krispy Kreme Doughnuts. hehe. Dumaan p dw cia sa d fort para makabili nito. Tirhan kta ha, hehe.
Meron pang Peach Mango Pie… malamig nga lang.. di ba paborito mo rin yon?
- Brother ko @ 2:58pm
Naexcite tuloy akong umuwi… dahil sa Donut! Naconfuse kasi ako kung bakit kailangan pang "Doughnut" eh pede namang Donut lang… Naisip ko… siguro masarap nga yun kasi mag nadagdag na 3-letters…. ang ugh… hehehehe
Nagkakasundo kasi kaming magkapatid sa Donut. Pag may pera ako asahan mong may Pasalubong ng Bayan ako at siyempre alam ko ang paborito niya at paborito ko… "Choco Coconut ng Dunkin Donut!"…. pero siyempre meron ding "Pineapple Filled at Strawberry Filled".
Nang lumabas ang Gonuts Donuts… siyempre… mega-text pa rin si Bro sa akin… Pati ung sa Hot Loops…. "Ate, may bago na namang Donut na masarap… tara kain tayo ha?"
Minsan natanong ko si Kaibigang JP kung ano ang masarap na Donut sa Pinas…. sagutin ba naman ako ng "Donut sa Dusit Hotel"… ano un?
Pupunta pa ako ng Dusit makakagat lang Donut? Haller!!! Promise niya sa akin na itetreat niya ako dun… pagdating ng panahon na hindi na siguro uso ang donut.
Pero mga bloggers… masarap nga si Krispy Kreme…. talagang mapopronounce mong…. "dough——-nut"…. hehehe Try it and you'll love it!
Maghahanap pa kami ng kapatid ko ng masarap na masarap na donut… Hanggang sa muling kagat…
Gilligan
Sa gilid gilid ng Starbucks may sikat na meryendahan.. featuring si Manong Squid at si Manong Turon! Yahu!
Kala mo may kung anong piket ang namumuo tuwing sasapit ang 3:00 ng hapon.
Pano ba naman, iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagkukulumpungan sa ilalim ng punong kahoy… may nakakurbata, may naka-amerikana, may nakaslacks at ok ang porma..
Tapos ang lalaki ng Squidballs…
At may variety ang merienda ni Manong Turon… may turon, chicharon, pancit canton, chichirya, lumpiang ubod, at marami pang iba…
Ang saya ng merienda bonding namin. Pano pinagkakatuwaan ako ng mga officemates kong lalaki dahil talo ko pa sila sa pagkain ng malalaking squidballs… Sila ang kasa-kasama ko at ako lang ang tanging babae na mas malakas pang kumain sa kanila.
Naalala ko pa si Gary ng minsang magtreat sa akin…. "Sheggz, kumakain ka ba sa ganito?"
Sabi ko… "Oo naman! Ano namang akala mo sa akin… hindi anak ng fishballs?"
Nahihiya na nga ako kapag magbabayad ako… Minsan, sinesenyas ko na lang at ibinubulong… tapos hayuf naman si Manong at ilalakas pa…
“Manong, 18 squidballs…hehehe” tapos pagtalikod ko kakain pa ako ng turon.
Ewan ko ba… enjoy na enjoy ako sa mga ganitong kainan.. yun bang busog ka na … mura pa tapos kesehodang nakikita ako ng madlang pipol sa pagsubo ko ng squidballs.. sabay sabing….. "Hmmm…. ang sarap grabe!"… pawisan pa pagkatapos.. sarap kasi ng tamis-anghang!
Tara! Sarap don!






