Home » Post Item » Gilligan
Gilligan
February 22, 2007Sa gilid gilid ng Starbucks may sikat na meryendahan.. featuring si Manong Squid at si Manong Turon! Yahu!
Kala mo may kung anong piket ang namumuo tuwing sasapit ang 3:00 ng hapon.
Pano ba naman, iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagkukulumpungan sa ilalim ng punong kahoy… may nakakurbata, may naka-amerikana, may nakaslacks at ok ang porma..
Tapos ang lalaki ng Squidballs…
At may variety ang merienda ni Manong Turon… may turon, chicharon, pancit canton, chichirya, lumpiang ubod, at marami pang iba…
Ang saya ng merienda bonding namin. Pano pinagkakatuwaan ako ng mga officemates kong lalaki dahil talo ko pa sila sa pagkain ng malalaking squidballs… Sila ang kasa-kasama ko at ako lang ang tanging babae na mas malakas pang kumain sa kanila.
Naalala ko pa si Gary ng minsang magtreat sa akin…. "Sheggz, kumakain ka ba sa ganito?"
Sabi ko… "Oo naman! Ano namang akala mo sa akin… hindi anak ng fishballs?"
Nahihiya na nga ako kapag magbabayad ako… Minsan, sinesenyas ko na lang at ibinubulong… tapos hayuf naman si Manong at ilalakas pa…
“Manong, 18 squidballs…hehehe” tapos pagtalikod ko kakain pa ako ng turon.
Ewan ko ba… enjoy na enjoy ako sa mga ganitong kainan.. yun bang busog ka na … mura pa tapos kesehodang nakikita ako ng madlang pipol sa pagsubo ko ng squidballs.. sabay sabing….. "Hmmm…. ang sarap grabe!"… pawisan pa pagkatapos.. sarap kasi ng tamis-anghang!
Tara! Sarap don!






