Home » Post Item » Bumoto ako
Bumoto ako
May 16, 20073 minutes before the deadline, karipas-takbo ako papuntang polling precinct. Nanggaling pa ako ng Manila noon at umuwi pa ng bundok, makaboto lang. Wala akong dala maski ano. Hindi ko naman kasi kailangan ng kodigo o sulsol ng kahit na sino para sa pangalan ng kandidato na isusulat ko.
Pagpasok ko palang sa skul, kanya-kanyang bati. Ipinapaalala marahil sa akin na.. "Hoy wag mo kalimutan si ganito.. si ganire.." Ilang hakbang na lang ako… halos kargahin na ako ng titser na assigned sa presinto namin. Napagalitan pa ako at pahuli-huli daw ako… tagaktak pa raw ang pawis ko.
Sinabi ko lang na… "Talagang tinakbo ko, ayoko kasing mazero si Victor Wood." Grabe ang tawanan ng mga tao na nakarinig sa akin. Akala yata seryoso ako sa sinabi ko na iboboto ko nga yun.
Rumaragadang ang sulat ko. Mula apelyido, pangalan hanggang middlename. Hindi naman kasi ako partidaryong tao. Ang panuntunan ko ng taong ihahalal ko ay batay sa paniniwala ko at individual performance o track record ng tao sa pamumuno. Hindi ko hinayaang may bakante… pumili ako ng less evil among the evils.
Wala pa yatang 2 minuto, tapos na ako. Naalala ko pa paglabas ko, nakasalubong ko pa ang isang taong nagsabi na.. "Ineng, nakaboto ka na ba?"
Sumagot lang ako ng "Opo" at sa utak ko ay naglaro ang mas marami pang sentences…
"hindi ko binoto ang kandidato mo… ano ako hilo?!?"
Hindi kaya ng konsensya kong magsayang ng boto… baka sa iisang boto na lang na yun ay matalo pa ang gusto ko…. sayang naman.






