Home » Archives » 19. May 2007
Pinagsamang Lakas
May 19, 2007Kani-kanina lang nakareceive ulit ako ng e-mail mula sa kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita… natawa ako sa subject line :
Sheggz sa PBB.
Agad kong binuksan, baka kako akalain na nasa PBB ako…
Ayun pala… itinatanong kung sino ang bet ko for this season. Hindi kaila sa mga dati kong kaopisina, kapamilya, kapitbahay, kaibigan, at kung sino-sino pa na PBB addict ako… at inaabangan din nila kung sino ang favorite housemate ko ngayon. Siyempre sila't sila rin ang kinukulit ko sa text at sa e-mail para iremind of BB NENE, BB GRETCHEN at BB BEA and send to blah blah blah…
Nakakatuwa din na tulad ng karamihan ay maka-BEATRIZ SAW din sila. Gravacious… may credibility na siguro ako sa mga kaibigan ko na "matino" naman akong pumili ng housemate hindi ung masabi lang na may paborito ka…
Let's volt in ulit for Mommy Bei!
Hanggang sa muling pangungulit ha…
Kulit mo!
Alas diyes y medya ng gabi, sakay ako sa last trip ng jeep pauwi ng Amadeo. Ano pa ba ang aasahan ko kundi babahagyang puwit ang nakasalampak para sa P17.50 upo.
Napagitnaan ako ng mejo may katabaang lalaki sa kaliwa at isang amoy lasing na lalaki rin sa kanan na halos ang mga kamay at siko ay umabot sa mga ina-attempt na tsansingan sa katawan ko (hehehe) Napabukas ako ng bubblegum at inihanda ko ang matutulis kong siko upang maipang-siko sa sinumang lumagpas sa 17.50 teritoryo ko.
Nagulat na lang ako na ginigising ng driver ang isang lalaking natutulog sa likod niya.
"Mama, Banay-banay na po. Baba na po kayo. Makakalayo po kayo."
Hindi man lang alintana ng lasing na lalaki ang sinabi. Hanggang sa itinigil na ang makina ng jeep at handang ibaba ang lalaki.
Sinabi ko na lang… "Dalhin na lang sa Munisipyo ng Amadeo.. Lalasing lasing tapos hindi makababa"..
Sumunod naman ang pobreng driver. Ung katabi kong lasing din eh may katabing lasing din.. so sa madaling salita, 3 lasing ang katabi ko.
Paulit-ulit sa pang-aalaska ang katabi ko… "Aba, eh dapat dito ka na bumaba.. blah blah blah"
Nasa bukana na kami ng Amadeo ng biglang bumaba ang lalaki na kanina pa ginigising. Walang kaabog-abog na naglakad. Naisip namin na baka kulang ang pamasahe nung tao. P15 lang ang ibinayad sa dapat sana'y P17.50. Umiiral na naman ang pang-aalaska ng katabi ko.. Paulit-ulit… nakakarindi para sa inaantok na.
Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya.. sabay sabing…
"Kulit mo, Manong. Paulit-ulit ang kwento mo. Sshhh!"
Napahiya yata si Lasing # 1 sa akin. Ngunit hindi pa sapat ang inis ko kaya bilang panghuling pananalita…
Tama na ung minsan mo na lang sinabi… pag inulit-ulit mo pa… ikaw ang nagmumukhang may tama at mas nakakatawa.
Baka ikaw ang madala sa munisipyo ha…
Tawanan sa Jeep. Buti na lang kanto na, at bababa na ako… hindi ko na hinintay na magalit pa siya sa akin…
Asaran to the max… at talo cia.. hehehehe






