To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Kulit mo!

May 19, 2007

Alas diyes y medya ng gabi, sakay ako sa last trip ng jeep pauwi ng Amadeo.  Ano pa ba ang aasahan ko kundi babahagyang puwit ang nakasalampak para sa P17.50 upo.

Napagitnaan ako ng mejo may katabaang lalaki sa kaliwa at isang amoy lasing na lalaki rin sa kanan na halos ang mga kamay at siko ay umabot sa mga ina-attempt na tsansingan sa katawan ko (hehehe)  Napabukas ako ng bubblegum at inihanda ko ang matutulis kong siko upang maipang-siko sa sinumang lumagpas sa 17.50 teritoryo ko.

Nagulat na lang ako na ginigising ng driver ang isang lalaking natutulog sa likod niya.

"Mama, Banay-banay na po.  Baba na po kayo.  Makakalayo po kayo."

Hindi man lang alintana ng lasing na lalaki ang sinabi.  Hanggang sa itinigil na ang makina ng jeep at handang ibaba ang lalaki.

Sinabi ko na lang… "Dalhin na lang sa Munisipyo ng Amadeo.. Lalasing lasing tapos hindi makababa"..

Sumunod naman ang pobreng driver.  Ung katabi kong lasing din eh may katabing lasing din.. so sa madaling salita, 3 lasing ang katabi ko.

Paulit-ulit sa pang-aalaska ang katabi ko… "Aba, eh dapat dito ka na bumaba.. blah blah blah"

Nasa bukana na kami ng Amadeo ng biglang bumaba ang lalaki na kanina pa ginigising.  Walang kaabog-abog na naglakad.  Naisip namin na baka kulang ang pamasahe nung tao. P15 lang ang ibinayad sa dapat sana'y P17.50.  Umiiral na naman ang pang-aalaska ng katabi ko.. Paulit-ulit… nakakarindi para sa inaantok na.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya.. sabay sabing…

"Kulit mo, Manong.  Paulit-ulit ang kwento mo.  Sshhh!"

Napahiya yata si Lasing # 1 sa akin.  Ngunit hindi pa sapat ang inis ko kaya bilang panghuling pananalita…

Tama na ung minsan mo na lang sinabi… pag inulit-ulit mo pa… ikaw ang nagmumukhang may tama at mas nakakatawa. 

Baka ikaw ang madala sa munisipyo ha…

Tawanan sa Jeep.  Buti na lang kanto na, at bababa na ako… hindi ko na hinintay na magalit pa siya sa akin…

Asaran to the max… at talo cia.. hehehehe


Posted by sheggz at 1:11 pm | permalink

Add a comment








     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines