To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Donasyon kanino?

May 26, 2007

Malayo pa ay tinatanaw ko na sa malayo ang pwesto ni Manong Bestfriend sa gilid ng City Hall kanina.  Kasama ko kasi ang aking mader… papakilala ko sana..

Aba… ay nagulat ako…. wala dun ang Manong Bestfriend… at kakaibang nilalang ang nakapwesto.  Hala…

Donation kay Habagat at Bagwis

Sa hilig ko sa aso… dali-dali akong lumapit at binasa ung karatula na nakadikit sa basket na nakasabit sa mga ipen nila.. hindi sila mailap.. at sa bawat paglapit mo sa kanila.. animo'y may mga isip na talagang humihingi ng tulong.  Malilinis sina Habagat at Bagwis.

Talagang hindi ko napigilang picture-an.  At lalo akong naaliw nang itry kong maglagay ng barya sa dalawang basket… one after the other.  Pagkalansing ng barya… titingin pa talaga sa yo "eye-to-eye" ung aso .. animo'y nagsasabing… "Tenchu!"

Bigla kong naalala ang Circle of Friends, ung nagsagawa ng outreach dati sa mga bata.  Samahan un ng mga dog lovers tapos yung mahilig magturo ng dog tricks ginawang parang outreach program.  Ang dami nilang napasayang tao.  Kung gaano nila inaalagaan ang mga aso, para din kapamilya.

Hindi ko na kasi nabasa ung karatula kung para saan ung donasyon pero may nakita pa akong picture na pati si Manilyn Reyes nagpapicture… hehehe

Kakaiba ituh!

Nawalan ng pwesto si Manong Bestfriend…. nakopo ang trono ng Everybody's Bestfriend.

Hanep!

Posted by sheggz at 2:34 pm | permalink | Add comment

     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines