To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Baon ni Nanay

May 30, 2007

Pababa ako sa MRT-Buendia kaninang mga 7 ng gabi.  May nakita akong isang matandang babae na may dala dalang transparent na supot na bakas na bakas na "kanin at ulam" ang laman.  Lakas ng loob niyang itaas ito at senyasan ang taong nasa kabilang lane.

Si Nanay pala un at si anak pala ung nasa kabila. 

Si Anak bitbit ang malaking bag… kung saan siya patungo ay hindi ko na inalam.  Pero sigurado akong malayo para ipagbaon ng ganun karaming kanin.  Hinintay kong abutin nung anak yung baon.  Hangos siyang bumalik at kinuha.  Tuwang-tuwa naman si Nanay na makitang talagang nageffort si Anak na kunin ang baon.

Naalala ko tuloy nung elementary pa ako.

I hate "kaning lamig!".  Pakainin mo na ako ng kahit ano wag lang ang malamig na kanin.  Hindi ko alam kung psychological lang o sadyang hindi ko malunok ang kaning saksakan ng lamig.  Kaya hate ko ang ipinagbabaon ako ng pagkain.  Dalawa lang ang kinakahinatnan ng baon na padala ni Mader, either sa basurahan o papanisin ko sa bag ko hanggang may maglabasang puting mga malilit na uod.  Nagsawa na si Mader na ipagbaon ako dahil sa munting hiling kong ayoko ng kaning lamig.  Magtitiyaga akong umuwi para sa mainit na kanin.

Nang nagawi ako sa Manila noong kolehiyo at netong nagtatrabaho na ako.  Much appreciated ko ang ipagbabaon ako ng pagkain.  Una, dahil sa tipid na… eh hindi pa hassle sa pagbili.

Ngayon ko hinahanap ang baon… sandwich.. .wag kaning lamig.  Minsan nakakalimutan kong kumain, o hinahayaan kong magaway ang mga bulate ko sa tyan kesa bumaba ako sa canteen at bumili ng food.

Kaya ung scene kanina… napa-"Aayyyy"… natouched ako kay Nanay at kay Anak.

Buti pa cia … mabait.. at di nagtatapon ng pagkain… take note.. lalaki pa yun.. matipuno at may hitsura..

 


Posted by sheggz at 5:25 am | permalink

Add a comment








     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines