Home » Archives » 27. June 2007
Why Beatriz?
June 27, 2007Kay Beatriz ako…
Simpleng tao pero hindi simple-minded.
Kalmadong tao
Hindi kumplikado
Hindi apektado
Pero pag sinaling mo
May prinsipyong ibabato sa yo
Makikilala mo ang taong matalino
Sa pagsasalita at pagkilos
Ang disenteng pakikiharap sa tao
Ang makalingang pagtugon sa mga bagay na kahit hindi ibinigay ay inaako
Responsableng tao
Ang bawat hakbang ay sadyang pinagiisipan
Hindi ako naniniwala sa walang “markadong” iniwan ang personality na ito ni Beatriz
Nakita ko ang mataas na pagpapahalaga sa salitang “PAMILYA”
Obligasyon at kapa sa magulang
Ito at ang maganda mong hangaring bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo
Sa matalino, maayos, makatao at may dignidad na pamamaraan at pagharap sa buhay…
Enough for me to say…. “Doon ako sa pagkataong ipagmamalaki ko.”
ANG BOTO KO… GINAMIT KO NG AYOS… OTHERWISE…
Masasabihan ako ni Maricris ng “YOU DIDN’T THAT”.
Voluntary Exit from Kapamilya
Sa halos ilang pagkakataon na sinubaybayan ko ang Pinoy Big Brother mula sa initial airing neto ng Season 1, Celebrity Edition, Teen Edition at ngayon nga ay ang Season 2, ito na marahil ang pinaka-maduming reality show na napanood ko.
Ginamit ng husto ang katauhan ng hindi kaiga-igayang pagkatao ng isang housemate para sa ratings ng show. Bumalik pa at hinangad makasama sa Big Four… Hello? Ginagawa ninyo bang tanga ang mga nanonood sa inyo?
Sumadsad ang respeto ko sa network na ito na halos 28 years kong sinubaybayan.
Ganito na ba talaga ang takbo ng panahon?
Prinsipyo, Dignidad at Kaluluwa… ibebenta at ipagpapalit sa pansumandaling kasikatan?
Eto ba ang klase ng “In the Service of the Filipino…”
Panloloko, pagmamanipula, at pagdistort ng kaisipan….
Ganito ba ang values na dapat ipinapairal sa samahang magkakapamilya…
Minsan ka nang nagtagumpay na iangat sa mas kahanga-hangang antas ang pagka-Filipino at mismong ikaw ang magbubura ng lahat ng iyon sa isipan naming lahat…
Ngayon saang punto ko hahanapin muli ang respeto at paghanga?






