Home » Post Item » Voluntary Exit from Kapamilya
Voluntary Exit from Kapamilya
June 27, 2007Sa halos ilang pagkakataon na sinubaybayan ko ang Pinoy Big Brother mula sa initial airing neto ng Season 1, Celebrity Edition, Teen Edition at ngayon nga ay ang Season 2, ito na marahil ang pinaka-maduming reality show na napanood ko.
Ginamit ng husto ang katauhan ng hindi kaiga-igayang pagkatao ng isang housemate para sa ratings ng show. Bumalik pa at hinangad makasama sa Big Four… Hello? Ginagawa ninyo bang tanga ang mga nanonood sa inyo?
Sumadsad ang respeto ko sa network na ito na halos 28 years kong sinubaybayan.
Ganito na ba talaga ang takbo ng panahon?
Prinsipyo, Dignidad at Kaluluwa… ibebenta at ipagpapalit sa pansumandaling kasikatan?
Eto ba ang klase ng “In the Service of the Filipino…”
Panloloko, pagmamanipula, at pagdistort ng kaisipan….
Ganito ba ang values na dapat ipinapairal sa samahang magkakapamilya…
Minsan ka nang nagtagumpay na iangat sa mas kahanga-hangang antas ang pagka-Filipino at mismong ikaw ang magbubura ng lahat ng iyon sa isipan naming lahat…
Ngayon saang punto ko hahanapin muli ang respeto at paghanga?






