Home » Post Item » Pasalubong
Pasalubong
August 2, 2007Antagal ko na rin palang nagdodorm…. nung isang araw.. narinig ko… may isang nanay ng kadorm-mate ko na dumalaw mula pa sa malayong probinsya.
Napangiti na lang ako. College palang kasi ako, pag may dumadalaw na magulang sa boarding house, isa agad ang nasa isip ko. May pasalubong na pagkain ito at swerteng busog na naman ako!
Hmm… tama nga ako! May dalang sangkaterbang santol na malalaki… at siyempre dahil halos pader lang ang pagitan, isa ako sa naambunan ng grasya!
Madaling mahirap magdorm. Para kang nag-abroad na nakakahomesick at sa maliit na paraan kailangan mong matutunan maging independent, magbudget ng maliit na allowance at magtiis kumain ng mga ulam na hindi mo naman nakagawiang kainin.
Pero alam mo… mas mahirap makisama sa mga taong mejo kakaiba.
Lately, hindi ako masyadong makaalis ng dorm… dahil sa nakawan na nagaganap sa dorm. Hassle ung lagi kaming nakalock ang pinto… kung nakakamatay lang ang tingin ko sa suspect.. marahil ay duguan na un… Masarap magdorm…. pag alam mong tiwala ka sa mga kasama mo at safe ka sa munting tulugan na tinutulugan mo…
Pero pag hindi… daig mo pa ang paranoid!






