Home » Post Item » Muling Buksan ang Puso
Muling Buksan ang Puso
August 6, 2007A song by Basil Valdez
Walang hindi man lang dumanas kailanman
Magmahal nang tapat at ‘di man lamang nasaktan
‘Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
Minsa’y nadarapa, paano mapagagaang
Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaanMuling buksan ang pusong minsa’y nagtampo
Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo
Walang hapding mananatiling nasa ‘yo
Basta’t limutin mo ano mang sakit nito
At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakboCHORUS
Alalahanin mong ang buhay nati’y minsan lang
Dusa’t ligaya’y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya’t sayang
Kung umalis ito’y hindi magbabalik muliKaya’t buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung ‘yan ang natakda sa ‘yo
Bukas magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
‘Di ba’t bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso[Repeat CHORUS]
[Repeat 3rd stanza]Kung nasaktan ka man, ‘yan din ay magdaraan
Puso’y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan
Message to myself and to the one…
Salamat sa mapagkakatiwalaang disposisyon. Ang mali na masaya at ang tama na malungkot ay hindi ko pinagsisihang desisyon. Darating din ang panahon na ang malungkot na tama ay mas mapapasaya pa ng hindi naging madamot na pagbibigay at pagpaparaya… Iyon at ang kaakibat nitong indulhensiya ang hinihintay kong makakapagpapagaan ng aking loob…
Ito at ang baong pag-ibig… at isinoling singsing…
Isawsaw sa toyong nilagyan ng suka at kalamansi… <bow!>






