To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Sais Pesos

August 6, 2007

Mula GMA Kamuning, nakasakay ako ng jeep pauwi ng dorm.  Siyempre, dali-dali kong inabot ang bayad ko or else.. makakalimutan ko pa ito… worst… baka masigawan pa ako ng driver at mapagkamalang… nag-1-1-2-3.

Pagtigil sa may gasolinahan, may isang lalaki na sumungaw ang ulo sa may driver seat.  Sabay sabing…

Ma.. pwede ba akong sumakay byaheng Quiapo lang?  Kaya lang 6.00 na lang ang pera ko.

Kita ko sa mukha nung lalaki ang pagmamakaawa at paghihintay sa isasagot ng driver.  Ako naman, naghihintay rin sa sagot ng driver.

Narinig ko…

Sakay ka na… Okay lang un!

Dali-daling sumakay ng jeep ung lalaki.. Kita mo sa mukha niya ang ngiti… pati tuloy ako nakangiti sa hindi ko naman kilalang tao.  Siguro nagugulumihanan siya dahil sa pagngiti ko… Agad niyang iniabot ung Php6.00 galing pa sa asul na panyo.

Narinig kong sabi ng driver, wag na iho… sayo na lang.  Baka hindi ka pa makauwi.  Okay lang un.

Ngumiti ulit ang lalaki sabay sabing… "Maraming Salamat po!"

Maya-maya….sumimple ako.  Nagbayad ulit ako ng presyong pa-Quiapo kahit bayad na ako.  Tinatanong ng driver kung saan…. pero hindi ako sumagot.

Nakita nung lalaki ang pag-abot ko ng bayad.

Sheggz: Bayad ka na… don't worry!

Lalaki: Salamat ha… nakakahiya naman sa yo!

Sheggz: Okay lang yun.

Galing ako sa kalahating araw ng pagsasagot sa exam at interview, pero dahil sa baryang iyon… nawala lahat ang mga iniisip ko… Barya lang yun… pero ang sarap pakinggan ng salamat at tingnan ng ngiti…

Oist! Hindi ko crush un…. <walang malisya> 


Posted by sheggz at 5:56 pm | permalink

Add a comment








     

August 2007
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines