To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Baby

August 10, 2007

Advisory: Hindi ko baby ito.. hehehe

 

Minsan may seryoso akong statement… na ewan ko ba bakit bigla kong nasabi pero hindi ko pinanghinayangang nasabi ko…

"Gusto ko na yata magka-Baby ._."

May kakaibang saya na hindi ko maipaliwanag habang hindi ko namamalayan na lumilipas ung oras na tumitingin-tingin lang ako sa baby.  Gusto ko ung feeling na masaya ako habang napapahalakhak ako ng mga mumunti at simpleng gestures niya… iyong mga nahuhuli ako ng baby na sumisilip-silip lang…..

Ewan ko rin nga kung bakit naka-smile lang ako habang inaabangan ang paghinga, pagngiti, pagkindat, pagsipa at pagtawa nung baby.  Eto ung rare time na mas pinipili ko makipagbonding sa bata kesa makipagbonding sa mga mas matatanda.  Nakakatuwa pala talaga… lalo na kapag yung baby eh wonder boy na parang matanda din na nakikipaglaro, nakikipagkwentuhan at nakikiramdam sa mga taong nakapaligid sa kanya..

Sarap pala ng feeling maging Mommy…  Iyan ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa akin sa mga panahong ito…. nakakawala ng stress….

May isang pagkakataon na… nakahiga ako sa sofa habang ung bata eh nasa ilalim ng paa ko… <may pagitan naman para makahinga ung baby> at nakapaligid sa kanya ang mga unan… biglang may nagdoorbell… sa isip ko …. nakupo magigising ang baby…. dahan-dahan kong iminulat ang mata ko para sulyapan siya…

Napahalakhak ako sa tawa nang makita kong…. ung baby… ganun din ang ginagawa…. dahan-dahan din niyang binubuksan ang mata niya habang sinisilip ako kung nagising ako sa tunog ng doorbell… sabay na sabay kami sa pagmulat at sabay na sabay kaming nagkatawanan…. Sabay sa paghalakhak ko ay ang pagtawa nung baby… para bang may nabuong dialogue na..

Baby:  Pung! Huli kaw! Kala mo di kita makikita ha….

Sheggz:  Hahahaha 

Hmm… hindi sa akin ung baby… nakikitingin lang… <baka mabasa ito ni Mader>


Posted by sheggz at 1:22 am | permalink

Add a comment








     

August 2007
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines