Home » Post Item » Sobreng Puti
Sobreng Puti
September 11, 2007Noong isang linggo, pagsakay ko sa isang G-Liner sa may Galle dakong alas-nueve ng gabi, biglang may nag-abot sa akin ng isang sobreng puti. Nang basahin ko ang nakasulat…
Pwede po bang makahingi ng tulong para po sa pagaaral naming magkapatid.
Salamat po. God Bless You!
Agad kong hinanap sa bus kung sino ang nagabot nun… Nakita ko siya sa may bandang gitna.. nag-aabot pa rin ng sobre.. isang batang babae.
Naisip ko lang bigla kung gaano kami kaswerteng magkapatid. Hindi na namin kinailangan pang gawin ang pag-eeffort na ginagawa ng bata, makapag-aral lang.
Andaming bagay na minsan hindi natin naappreciate. Para sa atin, ordinaryo lang yun, obligasyon lang naman ng magulang na papag-aralin. Pero para sa iba pala, pribilehiyo na pala ang turing nila sa iniisip lang nating ordinaryo.
Kung modus operandi man yun o hindi, marami ang nagbigay sa bata. Dahil nakasobre, mas maraming papel na pera ang ibinigay. Pagbaba niya, tiningnan ko kung saan pumunta… tatakbo sa gilid ng Virra Mall… umupo at doon binuksan ang libro… ung libreng libro na pang-public… Matagal pang tumigil ang bus dun at hindin ko inalis ung tingin ko sa bata…
Sa ganun niyang kalagayan… may mabuting puso pa siyang magsabi ng "God Bless You", noh?
Tayo kaya?!? Naisip kaya natin un… kahit minsan…?






