Home » Post Item » Kakaibang spirit
Kakaibang spirit
September 12, 2007Tuwing Sunday ng madaling araw, kami ay nasa harapan na ng DLSU sa Taft para abangan si Bro bago mag-exam. Marami kang makikitang mga nakakatouched, nakakatawa, nakakaloka at magkakahalong hitsura at pangyayari..
- merong kakagising pa lang na mga sabukot ang buhok na ihahatid ang asawa, kapamilya, kaibigan o "ka-ibigan" sabay "tsup!" God bless!
- merong barista na wala sa sariling lakad lang ng lakad kala mo ay pinanawan na ng bait
- merong hindi mo makumbinsi ang sarili mo kung barista nga o nagkamali lang … hehehe
- meron din namang mga munting anak na ihuhug ng "daddy" o ng "mommy" before na magexam.
- pero mas marami ang kumpletong pamilya tapos sabay sabay maghuhug sa anak na kukuha ng exam… at kalimitan ang tatay ang magsasabi na…. "God Bless You… Have faith!"
Natouched ako sa isang batang babae, 'bagong gising'… sabay yakap sa mommy nya… ng-flying kiss pa sabay sigaw na… "Mommy, wag kang magmadali mag-answer ha, hihintayin ka lang namin ni Daddy!"
Tapos kahit anong pigil ko, pag nakita ko na ang kapatid ko… at makikipag-kamay sa amin ng mahigpit… napapaluha ako everytime na sinasabi niya…. "Ate…. ipagdadasal mo ako ha?"
Pag alam naming nakapasok na siya sa loob, punta naman kami sa simbahan, wala naman kaming maisip na mabisang tulong kundi "dasal" para sa kanya….
Habang nangyayari ang mga ito, may napansin akong isang lalaki sa harapan ko. Nag-iisa-isa lang. At nag-aabang sa kakilalang dadaan. Tapos pag may nakita na siya, as in super excited siyang magwiwish ng goodluck, kakamayan, ihuhug, tatapikin sa balikan at hahawakan ng mahigpit ang mga kamay ng barista… sabay sabing… "ipapasa ko lang ang swerte! Galingan ninyo ha…. Ipasa ninyo ito!". Laging ganoon ang sinasabi niya.
Nasabi ko kay Mader, nakakatuwa naman ang taong un… nag-effort pa talagang gumising ng maaga at magwish ng ganun sa sinumang kakilala niya… Maaring isang law graduate na, o undergrad, o isang abogado na… o simpleng kaibigan lang… At alam ninyo ba… na sa taong makakasalubong niya… hindi mapapantayang ngiti ang makikita mo sa kanila….
NoyPi!









