Home » Post Item » Buhay Empleyado
Buhay Empleyado
October 4, 2007Nakakatuwang isipin na bumalik na naman ako sa nakagawian kong mundo. Magseset ng alarm clock upang isnooze sa umaga ng ilang beses. Magpeprepare ng isusuot kinagabihan para bukas. Rush at makikipag-agawan sa jeep at nagmomoment sa pagtulog sa fx.
Pagbaba ng fx, halos ilang hakbang lang lakarin papuntang opisina. Makakasalubong ng babae at lalaking nagmamadali rin, walang paki na ngumunguya sa daan mairaos lang ang pang-umagang gutom. Ako naman ay diretso sa paborito kong puntahan sa umaga, convenience store, donut store o canteen.
Maghapong windang o may araw na nagpepretend lang na may ginagawa kahit sa totoo lang ay wala. Excited sa nalalabing minuto bago dumating ang pinakahihintay na oras ng pag-uwi. Pero di pa talaga uuwi… magpapalipas-oras muna sa pagwiwindow shopping… at uuwing mejo masama ang loob dahil window shopping lang iyon.
Pero ang maganda rito, sa bawat araw may isineset kang accomplishment. Uuwing may iniisip kung ano ang para bukas at sa mga susunod pang bukas. At hindi mo namamalayan, darating na ang araw na susuklian naman ng sweldo ang halos dalawang lingo mong pagkatuliro.
Yan ang buhay-empleyado. Masarap na exciting na nakakawindang.
Sino ba naman ang magsasabing sa isandaang nakasalubong ko sa maghapon, kalahati noon ay maaaring sampung pisong barya lang ang laman ng mga wallet? Naikukubli lang ng magara-garang kasuotan…
Pormang Barya…






