Home » Post Item » Kapamilya Spirit
Kapamilya Spirit
October 4, 2007Hmm… sa ibang mga magulang… karaniwan na yung maririnig mo yung mga salitang… “Makapagtapos ka lang ng pag-aaral, okay na sa amin. Edukasyon lang ang tanging pamana namin sa inyo.”
Pero kelan lang nang naisip ko na sa totoong buhay, hindi natatapos sa pag-graduate o pagkakaroon ng diploma ang tunay na pamantayan ng mga magulang na “solve” na sila sa kanilang mga anak.
Maliwanag sa akin na obligasyon ko ang makapagtapos ng pag-aaral. Iyong makita ka nilang pinagsusumikapang gumawa ng isang maganda at matatag na pamumuhay batay sa “handog nilang edukasyon” ang para sa akin ay mas mahalaga kesa sa ano pa mang bagay. Iyon kasi ang “gauge” ko kung talagang may natutunan ako sa akademya at sa kung ano mang natutunan ko sa bahay.
Kami naman ngayon, Nay…
Kami naman ngayon ang gagawa noon… pahinga na kayo. Ito iyong “Kapamilya Spirit”






