Home » Post Item » Tulog
Tulog
October 5, 2007Kalimitang source of stress ko ay hindi work-related kundi yung struggle ko na gumising ng maaga at dumating ng opisina nang hindi late. Kahit ang “snooze” ng alarm clock ko ay suko sa akin sa pangungulit sa paggising.
Sarap kasing matulog. Lalo na sa magdamag na hindi ako pinatulog ng makulit na ubo at lagnat. At ngayon nga, agang-aga, kumakahol na naman ako.
Noong una kong malaman na ang mga managers pala ay hindi nagbubundy clock, iyon ang pinagsumikapan kong maabot na posisyon. Hindi sa prestige na dulot ng pagiging “manager” kundi iyong freedom na hindi ko na kailangang magrush para lang hindi magbundy.
Walang kaso naman sa akin kung late o super gabi na ako umuwi. Wag lang maagang papasok. Nauudlot ang mga dreaming moment ko sa mga lugar na tanging sa panaginip ko lang nakikita.
Haaay… makaidlip nga muna… Gandang morning mga bloghoppers! zZzzzz






