Home » Archives » 08. October 2007
Humility
October 8, 2007Ask about my patron of humility, I’ll tell you… it’s my Lolo. Live simply.
My grandparents taught me not to brag about my achievements. Whenever possible, always reserve a big room for humility. My Lolo always tells me… it's just a small piece of a cake… "wag kang malunod…"
When you’re fasting, do not announce to everyone the struggles you’re having while skipping meals. When you do charity work, don’t publish it. Keep it to yourself. Because the essence of doing good is not on how people around you will praise you, but rather on how He sees you. Not for public recognition.
Don’t go to church if you don’t live out the lessons that it tries to teach you. I hate pleasing anyone nor I be pleased by someone. Because that’s just a front-act.
Respect is earned… not by age… but with the quality of words and deeds you said and made.
And will all humility, I respect those na "tumanda… pero may pinagkatandaan…"
Aling Nery
Nagawi na naman ako sa usual kong pinupuntahan sa Calubcob, Silang,
Pag-akyat ko palang sa hagdanan, isang matamis na ngiti na ang isinalubong sa akin. Nagpakilala akong… “Magpapasukat po ako. Abay po ako ni Joyce”
“Na Naman,” aniya.
Nagulat ako at natatandaan pa pala ako. Ang sabi pa sa akin, Napabunghalit ako ng tawa sabay sabing… “baka hindi ninyo na ako matahian ng ganyan.” Hahaha Wala pa rin daw nagbabago sa sukat ng katawan ko. Kung ano raw ang sukat ko dati… iyon pa rin daw ngayon. Hindi rin daw nagbabago ang hitsura ko… mukha pa ring bata.. asows!
Ilang mga kaibigan, kaklase, kakilala na kasi ang kasama kong nagpapatahi doon. At puro pag-abay na lang sa kasal ang common kong rason ng pagdalaw doon. Hahaha
The Power of Kumot
Isang lingo na rin akong halos pinepeste ng pabalik-balik na lagnat, sipon at ubo. Kahit na anong bangon ang gawin ko, pakiramdam ko binubulong na ng katawan ko ang pahinga.
Actually, sa tanda ko nang ito, tinatamaan din ako ng hiya na umuwing may sakit at maging kargo pa nila para magpaalaga. So kahit ano man ang nararamdaman ko, pinipilit kong itago. Nakatulog na lang ako sa sofa, nakahalukipkip at nakayakap sa unan. Naramdaman ko na lang na may dahan-dahang nagkumot sa akin, nag-ayos ng unan at dinampi ang kamay sa aking noo para malaman kung may lagnat pa.
Hindi ako gumising. Hinayaan ko lang. Iyon kasi ung pinaka-sweet na gesture na gustong-gusto kong ginagawa sa akin pag may sakit. Iyong mararamdaman mo ang totoong concern kahit na hindi ko nakikita. Mas mahalaga sa akin yung mga effort na hindi pang-front lang. Mas nakakataba ng puso. Iyon yung mga bagay na walang hinihintay na kapalit… at yun ang mas higit kong pinapahalagahan…
Wala pa rin pala talagang ipinagiba yung alagang ibinigay sa akin noong bata pa ako at sa alagang ibinibigay kahit may edad na ako hehehe… walang walang nagbabago…
Thanks for keeping me warm with your unconditional love…






