To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Aling Nery

October 8, 2007

Nagawi na naman ako sa usual kong pinupuntahan sa Calubcob, Silang, Cavite.  Ang patahian ni Aling Nery.  Isa kasi siya sa pinakamagaling at pinakasikat na tagatahi ng mga gowns sa aming probinsya.  Mag-isa lang akong pumunta dun. 

Pag-akyat ko palang sa hagdanan, isang matamis na ngiti na ang isinalubong sa akin.  Nagpakilala akong… “Magpapasukat po ako.  Abay po ako ni Joyce”

“Na Naman,” aniya.

Nagulat ako at natatandaan pa pala ako.  Ang sabi pa sa akin, sana sa susunod mong punta dito, trahe de boda na ang tatahiin ko sa yo.

Napabunghalit ako ng tawa sabay sabing… “baka hindi ninyo na ako matahian ng ganyan.” Hahaha  Wala pa rin daw nagbabago sa sukat ng katawan ko. Kung ano raw ang sukat ko dati… iyon pa rin daw ngayon.  Hindi rin daw nagbabago ang hitsura ko… mukha pa ring bata.. asows!

Ilang mga kaibigan, kaklase, kakilala na kasi ang kasama kong nagpapatahi doon.  At puro pag-abay na lang sa kasal ang common kong rason ng pagdalaw doon.  Hahaha


Posted by sheggz at 9:23 am | permalink

Add a comment








     

October 2007
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines