Home » Post Item » The Power of Kumot
The Power of Kumot
October 8, 2007Isang lingo na rin akong halos pinepeste ng pabalik-balik na lagnat, sipon at ubo. Kahit na anong bangon ang gawin ko, pakiramdam ko binubulong na ng katawan ko ang pahinga.
Actually, sa tanda ko nang ito, tinatamaan din ako ng hiya na umuwing may sakit at maging kargo pa nila para magpaalaga. So kahit ano man ang nararamdaman ko, pinipilit kong itago. Nakatulog na lang ako sa sofa, nakahalukipkip at nakayakap sa unan. Naramdaman ko na lang na may dahan-dahang nagkumot sa akin, nag-ayos ng unan at dinampi ang kamay sa aking noo para malaman kung may lagnat pa.
Hindi ako gumising. Hinayaan ko lang. Iyon kasi ung pinaka-sweet na gesture na gustong-gusto kong ginagawa sa akin pag may sakit. Iyong mararamdaman mo ang totoong concern kahit na hindi ko nakikita. Mas mahalaga sa akin yung mga effort na hindi pang-front lang. Mas nakakataba ng puso. Iyon yung mga bagay na walang hinihintay na kapalit… at yun ang mas higit kong pinapahalagahan…
Wala pa rin pala talagang ipinagiba yung alagang ibinigay sa akin noong bata pa ako at sa alagang ibinibigay kahit may edad na ako hehehe… walang walang nagbabago…
Thanks for keeping me warm with your unconditional love…






